^

Punto Mo

Paano maaapektuhan ng langaw ang kalusugan?(Huling bahagi)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

Q. Paano naililipat sa tao ang germs mula sa nagkalat na dumi ng tao?

A. May apat na paraan kung paanong naililipat ang mikrobyo mula sa dumi ng tao patungo sa atin at ito ay sa pamamagitan ng: tubig, daliri, langaw, at lupa. Heto ang mga paraan ng pagkakalipat:

1. Mula sa dumi ng tao, ang germs ay naililipat sa ating pagkain sa pamamagitan ng ginamit na tubig. Kapag nakain natin ang pagkaing kontaminado ng maruming tubig, maililipat sa atin ang germs na ‘yun.

2. Mula sa dumi ng tao, ang germs ay puwedeng kumapit sa ating mga daliri. Kapag nagbawas tayo at hindi tayo naghugas ng kamay bago kumain (lalo na kung kumaing naka-kamay), ang germs na nasa ating mga daliri ay puwedeng mailipat sa ating pagkain.

3. Mula sa dumi ng tao, ang mga germs ay puwedeng mapasama sa mga paa at balahibo ng langaw. Kapag dumapo ang mga langaw na ito sa ating pagkain, maililipat ang germs sa atin.

4. Mula sa dumi ng tao, ang mga germs ay napapahalo sa lupa, na pinagtatamnan natin ng ating mga pagkaing gulay at prutas. Kung hindi maihahandang maayos ang mga prutas at gulay na ito bago kainin, makapapasok sa atin ang mga germs na ito.      

Ilang hakbang tungo sa pagsugpo sa langaw:

1. Panatilihing malinis ang buong paligid upang walang lugar na pamamahayan at pangingitlugan ang mga langaw.

2. Huwag magbawas sa kung saan-saan lang. Mahalagang magkaroon ng maayos na kasilyas ang bawat pamilya. Kung may mga alagang hayop, sinupin ang pagtatapon ng mga pupu ng mga ito.

3. Takpang maigi ang basurahan upang hindi maakit sa amoy nito ang mga langaw.

4. Maglagay ng mga papel na may pandikit (fly trap) upang mahuli ang mga langaw.

5. May pestisidyong pamatay-larva ng langaw (para sa mga lugar na pinamahayan na talaga ng sangkaterbang langaw)

6. Sa paghahanda ng pagkain, ugaliing maging malinis palagi. Huwag bigyan ng pagkakataong langawin ang mga sangkap ng ating lulutuin o mga pagkaing ihahain.

7. Kung may kakayahan lang din ang pamilya, makatutulong ang paglalagay ng screen sa mga pinto at bintana ng bahay.

ATING

DUMI

GERMS

HETO

HUWAG

KAPAG

LANGAW

MULA

TAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with