^

Punto Mo

Manong Wen (162)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG metro lang ang layo ng condominium kaya madali nilang narating. Nagmamadali ang dalawang sekyu sa pagsalubong sa kanila. Para bang presidente ang babae na kailangang i-secure ang dadaanan.

“Buksan mo ang opisina, please,” sabi ng babae sa isang sekyu at mabilis itong tumalima. Naiwan ang isang sekyu na umalalay sa kanila hanggang sa marating ang main entrance ng condo.

“Halika sa loob,” anyaya ng babae. Pumasok sila. Napakalawak ng ground floor ng condo. May garden silang dinaanan na pawang mga berde ang nakatanim na halaman. May fountain na iba’t ibang kulay ang tubig na tumatalsik.

“Dito tayo,” sabi ng babae. Kumanan sila at dinaanan ang hanay ng mga paintings na nakasabit sa dingding. Pawang oil paint ang mga iyon. Sa itsura ay mamahalin. Mayaman lamang ang makakabili ng ganoong mga paintings.

Tinumbok nila ang isang tila conference room na pawang salamin ang dingding. Nauna ang sekyu sa kanila. Binuksan nito ang salaming pinto.

“Halika, pasok,” sabi ng babae. Pumasok si Jo. Sinabihan ng babae ang sekyu na maaari na itong makabalik sa puwesto niya. Umalis ang sekyu. Hinarap ng babae si Jo. Inanyayahang umupo sa mahabang sopa. Sa di-kalayuan sa kanila ay may mesa na puno ng pagkain.

“Kumain muna tayo bago mag-usap. Kumuha ka nang gusto mong kainin, halika,’’ sabi ng babae.

Tumayo si Jo at tinungo ang mesa. Iba’t iba ang pagkain. Kumuha siya ng paboritong chicken inasal at salad. Dumampot ng bread. Kumuha ng cup at nilagyan ng brewed coffee.

Bumalik siya sa kinauupuan at kumain. Kumain din ang babae. Wala silang imikan habang kumakain. Parang sadyang tinapos muna ang pagkain saka nag-usap.

“Matagal na kitang pinasusubaybayan, Jo.”

“Kilala mo ako?’’

“Oo. Matagal na nga kitang pina-surveillance.’’

“Bakit?”

“Malaki ang maitutulong mo sa akin. Ikaw lamang ang tanging makatutulong sa akin.’’

Nahiwagaan si Jo.

“Sino ka at bakit mo ako dinala rito?”

“Ako si Diana.’’

“Ano ang kailangan mo sa akin, Diana?’’

Hindi sumagot si Diana. Sa halip na sumagot ay umiyak ito. (Itutuloy)

ANO

BABAE

BAKIT

BINUKSAN

HALIKA

KUMAIN

KUMUHA

MATAGAL

PUMASOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with