^

Punto Mo

Korean KFR sa Pinas, bistado

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ISANG grupo pala ng Koreano na sangkot sa kaso ng pa­ngingidnap ang kumikilos sa bansa na ngayon ay binabantayan hindi lamang ng PNP kundi maging ng itinatag ng Korean desk.

Mismong ang Korean desk sa bansa ang nagbunyag nito.
Ang grupong ito ay pinamumunuan ng isang Kim Seong Seok na naunang nahuli ng anti-kidnapping group ng PNP na nag-suicide noong 2012.

Si Seok ay may naiwan  na mga galamay na siyang nag-ooperate sa bansa.

Ito ay sina Kim Seong Kon na nakakulong sa Bicutan.

Si Kim Won Bin naman ay tumakas mula sa Pilipinas pauwing Korea.

Sa Korea ito nadakip, ibinulgar ni Bin ang kanilang modus.

Ibinunyag din nito ang inilibing nilang dalawang kababayan na sina Hong Seok Dong at Kim Yeong Yeul sa isang subdivision sa Taytay, Rizal noong 2011.

Ang mga biktima ay kanilang kinidnap pero pinatay din dahil hindi nakabayad ng hinihingi nilang 15,000 US dollars.
Na­hukay at narekober ang buto ng biktima sa gina­wang paghukay kamakailan.

Dahil sa ganitong modus humingi ng tulong ang Korean National Police sa PNP Anti-Kidnapping Group para sa ginawang paghuhukay at dito nakumpirma nga ang aktibidades ng sindikato ng Koreano.

Ito rin ngayon ang siyang tinututukan ng PNP dahil nga sa bansa pa nagsasagawa ng ga­nitong modus ang grupong ito. Target nila ang maraming Koreano­ na nagtutungo sa bansa. Mismong kanilang kababayan ang target na kidnapin ng mga ito.

Nakipag-coordinate na rin  ang Korean authorities sa PNP para sa ikadarakip pa ng mga natitirang miyembro ng grupo.

Maganda ang koordinas­yon ng dalawang police force para tuluyang mabuwag ang sindikatong ito.

 

ANTI-KIDNAPPING GROUP

HONG SEOK DONG

KIM SEONG KON

KIM SEONG SEOK

KIM YEONG YEUL

KOREAN NATIONAL POLICE

KOREANO

MISMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with