^

Punto Mo

Ang Sastre na ‘Nega’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA wakas, nakaipon din ng perang pamasahe sa USA ang lalaki. Pangarap makarating sa USA ng lalaki, makapasok sa White House at makamayan si Bill Clinton na presidente nang mga panahong iyon.

Pagkatapos asikasuhin ang mga papeles patungo sa USA ay naisipang magpagawa ng Amerikana ang lalaki na isusuot niya patungo sa White House. Inusisa ng sastre kung saan gagamitin ang Amerikana.

“Pupunta ako sa USA,” sabi ng lalaki.

“Ano ang sasakyan mong eroplano?”

Sinabi ng lalaki ang pangalan ng airline.

“Bakit dun? Ang pangit ng serbisyo run, palaging late. O, tapos, saan ka tutuloy na hotel?

Sinabi ang hotel na tutuluyan.

“Hmp! Ang mahal ng bayad dun, pang-5-star kuno pero ang pangit ng serbisyo at lugar. O, tapos saan ka pa mamamasyal?”

“Pupuntahan ko si Bill Clinton sa White House. Gusto ko siyang makita nang personal. Idol ko ‘yun!”

“Naka! Mag-aaydol din lang, sa Presidente pang may pangit na reputasyon. At saka, buti kung pansinin ka at papasukin sa White House, e, isa ka lang namang pangkaraniwang mamamayan ng Pilipinas. Nagsasayang ka lang pera!”

Lihim na naiinis ang lalaki. Puro pangit ang bukambibig ng sastre. Lumipas ang isang buwan at bumalik ang lalaki mula sa kanyang biyahe sa USA. Binisita niya ang sastre at dinalhan na rin ng pasalubong.

“O, kumusta ang bakasyon mo sa Amerika?”

“Ahhh…maganda ang lahat ng nangyari sa akin. Maganda ang serbisyo ng airline at hotel. Nagtagumpay din akong makapasok sa White House at makausap si Pres. Bill Clinton. Kaya lang ay pinansin niya ang aking suot na Amerikana.”

Napangisi ang sastre. “O, ano ang sabi? Nagandahan ba si Clinton?”

“Hindi. Terible raw ng pangit! At tinanong ako kung hindi pa raw tinatamaan ng kidlat ang sastreng tumahi ng Amerikana.”

AHHH

AMERIKA

AMERIKANA

ANO

BAKIT

BILL CLINTON

LALAKI

SINABI

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with