^

Punto Mo

Aso, naging mayor ng isang siyudad sa Amerika sa loob ng isang araw

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Chihuahua na nagnga­ngalang Frida ang ginawang mayor ng siyudad ng San Francisco sa California bilang ba-hagi ng kampanya para suportahan ang planong pagpapagawa ng animal shelter doon.

Napili si Frida matapos ang isang bidding na nilahukan ng kanyang amo. Nanalo ang kanyang amo na nag-bid ng $5,000 para makuha ang karangalan na maging mayor ng San Francisco ng isang araw. Ang perang nakolekta sa bidding ay mapupunta sa pagpapagawa ng isang tirahan para sa mga alagang hayop sa San Francisco na inabandona ng kanilang mga amo.

Bilang mayor, nilibot ni Frida ang mga landmarks sa San Francisco. Pinarangalan din siya ng mga opisyal ng city hall para sa kanyang isang araw na serbisyo at dahil sa kanyang natata-nging kuwento. Si Frida kasi ay isang dating asong gala na kinupkop lamang ng kanyang amo mula sa isang animal shelter.

Matapos ang isang araw na panunungkulan ni Frida, binigyan siya ng mga laruan at gamit bilang kanyang ‘retirement package’ mula sa pagiging mayor ng siyudad.

BILANG

FRIDA

ISANG

KANYANG

MATAPOS

NANALO

NAPILI

SAN FRANCISCO

SI FRIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with