Di siya nagmana?

May dalwang taon pang dito’y maghahari

si Pangulong P-Noy iba ang ugali;

di niya minana ang mabuting budhi

ng ama at inang tapat na nagsilbi!

 

Senador Aquino nang nabubuhay pa

ang tanging hinangad baya’y dumakila;

mga kilos niya at mga salita

nakita ng lahat tapat na adhika!

 

Si Pangulong Cory sa kanyang tungkulin

ay naging matapat sa mga gawain;

sa buong panahon na kapiling natin

natapos ang term na tapat sa atin!

 

Sayang itong anak ay hindi natulad

sa ama at inang sa bansa ay tapat;

kung may namamali sa kanyang  palakad

dapat noon pa lang sinipa na agad

Show comments