^

Punto Mo

Pag-atake ng ‘Dugo-dugo’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga uuwi ng probinsya at maiiwan sa bahay ngayong Kapaskuhan. Muling nagpapaalala ang BITAG. Mag-ingat sa iba’t ibang uring modus.

Mas aktibo at agresibo ngayon ang mga kriminal at demonyo sa lupa. Laging nag-aabang ng tyempo para makapambiktima.

Kaya sa mga amo o sa mga kasambahay na aalis at maiiwang-bantay sa bahay, doble ingat. Baka kasi dahil lamang sa isang tawag o ring ng telepono, madenggoy kayo ng mga dorobo.

‘Dugo-dugo’ ang tawag dito. Ang grupo ng mga putok sa buho, tumatawag sa mga bahay-bahay. Target nila ang mga kasambayah na naiiwan. Pero bago pa ito, napag-aralan na nila ang kanilang pupuntiryahin.

Sa pakikipag-usap sa telepono, ang mga kumag, nagagawang paniwalain ang pobreng kausap sa pamamagitan ng isang aksidenteng kinasangkutan umano ng kanilang amo.

Bagamat gasgas na ang ganitong uring modus, marami pa rin ang mga naiisahan at naloloko.

Kunwari’y magpapakilala sa kasambahay ang isa sa mga myembro ng gang na malapit na kamag-anak o ‘di naman kaya kaibigan ng amo. Kukunin ang loob nito at sasabihing nadisgrasya ang kaniyang boss.

Ang pobreng namamasukan naman sa kagustuhang makatulong sa umano’y nasa ospital na amo, susunod sa anumang idikta ng putok sa buho.

Uutusan ito na kunin ang mga pera at alahas sa pinagtataguan para may magamit sa mga gastusin sa ospital. Lingid sa kaalaman ng kasambahay, nahuhulog na pala siya sa BITAG ng mga kolokoy.

Kapag hawak na ng kasambahay ang mga ipinakukuha, agad siyang bibigyan ng direksyon kung papaano at saan sila magkikita.

Malalaman na lang ng kasambahay na nabiktima sila ng “Dugo-dugo” gang kapag nakarating na sa bahay ang kaniyang amo, ligtas at walang anumang galos sa katawan.

Kaya patuloy at paulit-ulit na All Point Bulletin (APBB) ng BITAG sa mga namamasukan, ‘wag agad magpapaniwala sa  mga estrangherong tumatawag sa telepono.

Kapag may mga insidenteng ganito, mabuting tawagan muna ang amo sa kanilang tanggapan o opisina para maberipika ang anumang tawag mula sa sindikato.

Higit sa lahat, upang makaiwas sa modus, maka­bubuting paalalahanan lagi ng mga amo ang kanilang mga naiiwang tauhan sa bahay.

Mas mainam din kung  mayroong dedikadong telepono ang kasambahay kung saan tanging ang amo lang ang nakakaalam ng numero.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ALL POINT BULLETIN

AMO

BAGAMAT

BAHAY

DUGO

KAPAG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with