Gulay: Pampahaba ng buhay
ILANG linggo na ang nakararaan, naging bisita namin sa Idol Sa Kusina ang mga taga Department of Agriculture. Sila ay may sinusulong ngayong proyekto upang ilunsad at palakasin ang paghikayat sa mga Pilipinong kumain ng gulay, gayundin upang matulungan ang mga magsasakang ibenta ng mas mura ang kanilang pananim upang mas tangkilikin ng mga mamimili. Kaya naman sa bawat episode ng ISK ay may isang gap kami na nagluluto ng mga vegetable-based dishes.
Narito ang mga niluto namin at sana mahikayat din kayong kumain ng gulay. Kung maaari, magtanim din kayo sa inyong mga bakuran at hardin.
Alugbati. Tinatawag din itong Malabar Spinach bagamat hindi ito spinach talaga. Ngunit mainam na pamalit sa spinach para sa mga salad. Mababa ang calories at walang saturated fat, kaya maganda sa mga nagpapababa ng timbang. Maganda rin ang fiber content nito para maiwasan ang constipation at mapababa ang risk para sa sakit sa puso at diabetes. Mataas ang taglay na Bitamina A, Iron at Folate kaya mainam itong kasama sa diyeta ng isang nagdadalantao — para sa dugo at brain function ng bata.
Sitaw at Mani. Mayaman sa potassium nakakatulong para maiwasan ang alta-presyon at upang bumaba ang tsansang atakehin sa puso.
Talong. Mataas sa fiber na mainam sa pagtutunaw o digestion at gayundin sa pag-iwas sa Diabetes. May taglay din itong antioxidants na naglulunsad ng produksyon ng malulusog na selyula sa katawan.
Pechay. May Bitamina C na nagpapalakas ng immune system at bitamina K na tumutulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng buto. Mababa ang calories at fat content ngunit mataas sa protein at fiber.
Dragon Fruit. Mayaman sa Vitamin C na tumutulong sa pagpuksa ng mga sakit. Nagpapababa rin ng blood sugar levels kaya mainam sa mga may Diabetes. Mayaman din sa antioxidants at dietary fibers.
Malunggay. Mayaman sa Vitamins A, B at C. Mainam sa mata at balat at immune system. Mataas din ang taglay nitong calcium at nakakatulong sa pagtibay ng buto. May anti-cancer properties din ang malunggay at nakakatulong sa cell regeneration lalo sa mga sumasailalim sa cancer treatments tulad ng chemotherapy.
- Latest