39. Kung sobra na ang stress na nararanasan, tawagan mo ang iyong ina o kapamilyang close sa iyo. Ito ang natuklasan ng mga researchers mula sa University of Wisconsin: Nakapagpapagaan ng loob ang pagkausap sa kapamilyang malapit sa puso mo kung nasa panahon ka ng matinding stress dahil sa trabaho o anumang kadahilanan.
40. Ang pakikinig ng music, pagkanta o pagtugtog ng kahit anong musical instrument ay nakakatulong upang mag-improve ang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao.
41. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Germany, mas effective gawing ingredient sa hand sanitizer ang lemon grass at cinnamon oil dahil kaya nitong patayin ang Staphylococcus aureus. Pneumonia, pigsa at ibang infection ang ilan sa mga sakit na idinudulot ng nasabing bacteria. Mabilis lang magtanim ng lemon grass. Maglaga nito at gawing panghugas ng kamay ang pinaglagaan.
42. Uminom muna ng kape saka umidlip ng 20 minutes. Natuklasan ng mga Japanese na ang ganitong paraan ay lalong nakakapagpasigla ng utak pagkagising mula sa pagkakaidlip.
43. Huwag agad magsesepilyo pagkatapos kumain, lalo na kung acidic ang iyong kinain. Nakakasira ito ng tooth enamel. Palampasin muna ang 30 to 1 hour bago magsepilyo.
44. Iwasan ang diet soda, lalo itong nakakataba, sabi ng mga researchers ng Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health.
45. Mag-exercise kapag pagod. Nakakadagdag ng energy ang pagpapapawis.
46. Nakakadagdag ng brain power ang pagsusulat ng notes habang nagle-lecture si Mam kaysa ita-type mo ito sa lap top.
47. Para mag-improved ang boyfriend-girlfriend relationship, bawasan ang araw ng pagkikita. Ito ang rekomenda ni Elizabeth Lombardo, Ph.D., author of Better Than Perfect: 7 Strategies to Crush Your Inner Critic and Create a Life You Love. Kapag nag-iisa raw ang tao, nasasanay siyang mag-isip muna bago gumawa ng isang bagay. Ang tendency ng laging magkasama, nagiging pabigla-bigla siya ng desisyon, dahil hindi makapag-concentrate.
48. Paghaluin ang 1 to 2 kutsarang apple cider vinegar at isang basong maligamgam na tubig. Ito ang inumin araw-araw para matanggal ang taba sa tiyan at baywang. Mainam inumin kapag sobrang dami ang nakain kanin o pasta.
49. Sa arthritis, paghaluin ang 1 to 3 kutsarita ng apple cider vinegar at 8 ounces na tubig. Ito ang inumin bago kumain ng agahan, tanghalian at hapunan. O kung hindi kayang uminom, ibabad ang paa at kamay sa pinaghalong 1 cup apple cider vinegar at 6 cups water para matanggal ang sakit.
50. Nakapagpapagaling ng heartburn: Uminom ng isang kutsaritang apple cider vinegar, sundan ng pag-inom ng isang basong tubig.