32. Para sa healthy gums, kumain ng broccoli.
33. Hindi lang gamot at masustansiyang pagkain ang nagpapagaling sa maysakit, malaki rin ang naitutulong ng pagdadasal. Ito ang napatunayan ng mga researchers ng Harvard University. Mas mabilis daw gumaling ang pasyenteng nakaranas i-pray over ng kanyang church mates kaysa pasyenteng walang nag-pray over.
34. Ang green tea, red wine at olives ay mainam na proteksiyon laban sa breast cancer.
35. Upang hindi atakihin ng hika, kumain araw-araw ng isang mansanas o isang malaking kamatis tuwing ikalawang araw.
36. Huwag kumain ng carbohydrates o uminom ng beer isang oras pagkatapos mag-exercise. Tubig at prutas ang “safe” kainin pagkatapos ng exercise.
37. Pinoprotektahan ng potassium ang ating ugat na maba-rahan ng “fats” mula sa mga pagkaing masebo. Kaya kumain ng mayaman sa potassium: kamote, kamatis, beans, yogurt, clams, prunes, carrot juice, molasses, isda, soybeans, melon, saging, gatas, orange juice, etc.
38. Para madebelop ang sexual desire sa mga lalaking may erectile dysfunction:
* Paghaluin sa bowl ang 2 tablespoons of honey, chopped one-half small boiled egg at one- half cup of grated carrots. Kumain nito isang beses kada araw sa loob ng 30 to 45 days. (www.myhealthtips)
(Itutuloy)