^

Punto Mo

EDITORYAL - Lipulin ang mga salot na Abu Sayyaf!

Pang-masa

ITULUY-TULOY na at huwag tigilan ang pagsalakay sa Abu Sayyaf. Puksain na silang tuluyan. Huwag nang bigyan pa nang pagkakataon na makapag-recruit pa ng mga bagong miyembro. Ipakita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mas may lakas sila laban sa mga salot na ang pangunahing layunin ay makapa­ngidnap at magkamal ng pera mula sa ransom. Kung ititigil ng AFP ang pagtugis sa Sayyaf gaya ng mga ginawa sa nakaraan, muli na namang maghahasik ng lagim ang grupo at wala nang katapusan ang kanilang kasamaan sa bansang ito. Magkaroon sana nang ma­tibay at tiyak na plano laban sa mga bandido ang AFP para masigurong mapuputol na ang mga ito kasama ang kanilang ugat. Kailangang simulan sa ugat ang pagpuksa para wala nang sisibol pa.

Isang malaking dagok at kahihiyan na rin sa AFP na malagasan (na naman) ng mga sundalo. Laging sinasabi ng AFP na kakaunti na lamang (nasa 1,000 miyembro) ang Sayyaf at hindi na banta sa bansa pero bakit nalalagasan pa rin ang mga sundalo ng pamahalaan. Kung talagang wala nang kakayahan, bakit nakapagsasagawa pa ng pag-ambus at pinupugutan pa ng ulo ang mga sundalong napapatay.

Noong nakaraang linggo, limang sundalo ang napatay ng mga bandido sa nangyaring enkuwentro sa Jolo, Sulu. Sabi ng isang mataas na opisyal ng military, isang sundalo ang pinugutan ng ulo. Sabi pa ng opisyal, 10 Sayyaf ang napatay at 30 ang nasugatan. Kabilang daw sa napatay ang isa sa sub-leader ng Sayyaf na si Hairulah Asbang at ang bayaw ni Radulan Sahiron, mataas na leader ng Sayyaf. Natagpuan ang bangkay ni Asbang sa isang village.

Sabi naman ng isa pang military official, nagsanib daw ang tatlong grupo ng Sayyaf at nakaposisyon sa tatlong matataas na burol kaya napuruhan ang mga sundalo. Hindi raw kabisado ng mga sundalo ang daan sa bundok kaya naunahan ng kalaban.

Kung magagawa ng AFP, bakit hindi ang mga sundalong sanay sa bundok ang iharap sa Sayyaf. Bakit hindi sanayin sa bundok ang mga sundalo para maitapat sa mga salot. Kung nagagawa ng mga salot na magpatakbu-takbo at magpatagu-tago sa mga gubat, burol o bundok, magagawa rin ito ng mga sundalo. Tapatan din sila para maubos na!

ABU SAYYAF

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

HAIRULAH ASBANG

RADULAN SAHIRON

SABI

SAYYAF

SUNDALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with