DINALA ni Jo sina Princess at Precious sa bahay nito sa A. P. Reyes, Makati. Sa harap iyon ng dating Philippine Racing Club.
“Matagal ka na bang nakatira rito, Jo,” tanong ni Princess habang binubuksan ni Jo ang kandado ng gate.
“Mga dalawang taon na. Binili ko ito makaraang umuwi ako galing
Saudi.’’
Nabuksan ang gate.
“Halikayo! Pasok!” an-yaya ni Jo sa magkapatid.
Pumasok sila.
“Maganda pala rito,” sabi ni Princess habang pinagmamasdan ang bahay.
“Safe na safe kayo rito, Princess. Pinataasan ko ang bakod para walang makaaak-yat. Marami kasing akyat bahay dito kaya kailangang mataas ang bakod.’’
“Mukhang malaki ang nagastos mo rito, Jo.’’
“Medyo.’’
Humantong sila sa pintu-an ng bahay. Sinusian ni Jo. Nabuksan.
“Halikayo! Pasok!”
Pumasok ang dalawa.
“Wow ang linis!”
Kumpleto sa gamit ang salas. Bagong flat screen TV, modernong sopa, airconditioned.
“Tatlo ang kuwarto nito. Dun kayo ni Precious sa kuwartong nasa kaliwa.’’
“Nakakahiya naman sa’yo Jo.’’
Ngumiti lamang si Jo. Pagkaraa’y inutusan niya si Precious na dalhin na ang gamit sa kanilang kuwarto. Tinungo ni Precious ang kuwarto. Naiwan sina Jo at Princess.
“Mula ngayon dito na kayo titira.’’
“Ha? Paano ang bahay namin sa probinsiya?”
“Hindi naman mabubulok ‘yun. Basta dito muna kayo. Safe kayo rito.’’
“Salamat Jo.’’
“Huwag ka munang magpasalamat dahil mayroon pa tayong lulutasin. Hahanapin pa natin si Chester.’’
“Oo Jo. Gusto kong matapos na ang kawalanghiyaan niya. Palagay ko marami pa siyang biniktima.’’
“Gusto mo bukas, hanapin na natin?”
“Iiwan natin si Precious dito?”
“Oo. Safe siya rito.’’
“Sige, Jo. Simulan na natin bukas.’’
“Kasama mo ako kahit saan, Princess.’’ (Itutuloy)