^

Punto Mo

Manong Wen (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKARAANG masampahan ng kaso ang dalawang kidnappers ay umuwi na sina Jo, Princess at Precious. Sabi ng mabait na hepe ng pulis, ipatatawag na lang sina Jo at Princess kaugnay sa rewards na ibibigay sa kanila. Kumpirmadong may nakapatong na mala­king halaga sa ulo ng dalawa, madakip man ang mga ito buhay o patay. Matagal na raw pinaghahanap ang dalawang kidnapper. Mabubulok daw sa bilangguan ang dalawa. Muli ay nagpasalamat ang mabait na hepe --- si Supt. Leo Cruz, kina Jo at Princess. Bago umalis kinuha ni Princess ang numero ni Supt. Cruz.

Nang makarating sila sa bahay, muling inulit ni Princess ang balak na hanapin si Chester.

“Natatandaan ko ang mga sinabi ng dalawang kid­naper ukol sa kinaroroonan ni Chester. Alam mo ba ang Bustillos St., Jo?”

“Oo. Alam ko. Madalas ako sa lugar na iyon noong nag-aaral pa ako ng kolehiyo.’’

“Hanapin natin si Chester. Gusto kong makaganti sa ginawa niyang pananakot sa aking magkapatid. At isa pa, para maputol na ang kanyang masamang gawain na nangi­ngidnap ng mga dalagita para ibenta sa mga dayuhan. Kaila­ngang magbayad siya.’’

“Sige, lumuwas tayo bukas na bukas din. Isasama natin si Precious.”

“Saan natin siya iiwanan kapag hinahanting natin si Chester?”

“Walang problema, doon siya sa bahay ko. Safe na safe siya roon. Walang makakapasok dun sapagkat mataas ang pader. Para na rin makapagrelaks siya sa dinanas na pangingidnap. Ipapasyal natin siya.’’

“Salamat Jo. Ikaw talaga ang guardian angel ko.’’

KINABUKASAN, lumuwas ng Maynila ang tatlo. Sisimulan nilang hanapin si Chester. Desidido si Princess na maiganti ang nangyari kay Precious.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BUSTILLOS ST.

CRUZ

DESIDIDO

HANAPIN

IKAW

LEO CRUZ

SALAMAT JO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with