^

Punto Mo

‘Pabigat’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG sundalo na nasa Mindanao at napalaban sa Abu Sayyaf ang nagpadala ng liham sa kanyang mga magulang na nasa ibang probinsiya. Nagulat ang mga magulang dahil anim na buwan na silang walang komunikasyon sa anak.

“Pasensiya na po Inang, Tatang at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong lumiham sa inyo. Puwede bang pag-uwi ko diyan sa ating bukid ay isama ko ang aking kaibigan at kasamahang sundalo? Tagarito siya sa Mindanao. Napatay ng Abu Sayyaf ang kanyang buong pamilya. Naputol ang isa niyang paa dahil sa pakikipaglaban.”

Sinagot ng mga magulang ang liham: Walang problema. Isama mo siya dito sa atin. Marami pa rin siyang maitutulong dito sa bukid kahit iisa na ang paa niya.

Lumiham muli ang sundalong anak: Pero nawalan din po siya ng dalawang kamay.

Ang sagot ng mga magulang: Anak, huwag ka nang magdala dito ng isa pang pabigat. Alam mo namang mahirap lang ang ating buhay. Kung hindi tayo magbabanat ng buto at magtatrabaho sa bukid ay wala tayong kakainin.Paano makakatulong sa ating kabuhayan ang kaibigan mong pilay at walang kamay? Pasensiya na anak, nagiging praktikal lang kami.

Napaluha ang sundalo sa naging kasagutan ng mga magulang. Walang kaibigan ang sundalo. Siya mismo ang nawalan ng isang binti at dalawang kamay. Gusto lang niyang malaman ang tunay na saloobin ng pamilya kung uuwi siyang kulang-kulang ang body parts. Tatanggapin pa rin kaya siya kagaya ng pagtanggap sa kanya noong buong-buo pa siya at napapakinabangan? Iyon  ang pinakahuli niyang pakikipagkomunikasyon sa pamilya.

ABU SAYYAF

ALAM

ANAK

INANG

ISAMA

IYON

LUMIHAM

MINDANAO

PASENSIYA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with