Isang bayan sa canada, mistulang dagat sa dami ng mga ahas

ISANG bayan sa Canada ang nagmimistulang dagat ng mga ahas taun-taon tuwing sasapit ang panahon ng tagsibol. Tinatayang 70,000 ahas ang nasa bayan ng Narcisse, Manitoba, Canada.

Nagsusulputan ang mga ahas mula sa mga maliliit na siwang sa ilalim ng lupa. Galing ang mga ahas mula sa mahabang pagkakatulog nang nakaraang tag­lamig at lumilitaw sila pagsapit ng tag-sibol upang magtalik para magparami.

Ang mga ahas, na pawang mga garter snake, ay wala namang mga kamandag. Isang wildlife reservation din ang lugar na kanilang pinamumugaran kaya walang peligro sa mga tao ang kanilang sabay-sabay na paglitaw taun-taon.

Sinasabing pinipili ng mga ahas ang bayan ng Narcisse dahil sa kakaibang lupain nito. Marami kasing bitak ang lupain sa nasabing bayan kaya gustong-gustong paglunggaan ng mga ahas. Mahilig kasing ang mga ahas sa mga siwang kung saan sila maglalagi habang taglamig.

Maglalabasan ang mga ahas pagdating ng tagsibol at pagka­tapos ay saka sila pupunta sa mga kalapit na latian na siyang kanilang pangkaraniwang tirahan. Pagbalik ng taglamig, magla­lakbay ulit ang mga ahas papunta sa Narcisse upang doon matulog habang tag-lamig.

Show comments