^

Punto Mo

‘Sandata laban sa hirap’

- Tony Calvento - Pang-masa

NASA sinapupunan pa lang ang bata nag-iisip na ang magulang niya kung ano ang ipapangalan sa kanya, may mapipili sila pag lalaki at pag naman babae may katapat din ito. Pag nalaman na nila ang kasarian, ibibigay na lang nila ang pangalan. Pagkatapos nito ang susunod na iisipin ay sana normal ang bata at maging maayos ang panganganak.

 Sa unang mga buwan pa lamang na ito’y lumalaki ang kinabukasan nito ang pinaghahandaan naman nila. Ang una at pinakaimportante dito ay kung saan mag-aaral ang bata. Ang edukasyon ay ang tanging yaman na maaaring iwan ng mga magulang sa kanilang mga anak na hindi kayang kunin o mawala sa pagdaan ng panahon.

Kaya naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kahit na marami na ang nabigay na donasyon para sa edukasyon ng mga Pilipinong kabataan hindi pa rin tumitigil sa kanilang marangal na layunin, gaya noong Oktubre 27, 2014, ang kabuuang kontribusyon ng PAGCOR sa programa ng gobyerno na pagbubuo ng mga school building ay umabot na sa halagang pitong bilyong piso. Naglabas ang institusyon ng karagdagang dalawang bilyong piso para sa “Matuwid na Daan sa Silid Aralan” project.

Ang karagdagang pondo, ayon sa PAGCOR Chairman at CEO na si Cristino Naguiat, Jr. ay upang lalo pang lumaki ang maabot ng proyekto at dumami pa ang mga makikinabang sa mga malalayong lugar.

“Dahil sa proyektong ito nalaman namin ang sitwasyon ng mga pampublikong paaralan mula sa mga liblib na lugar sa buong bansa. Habang ang mga silid-aralan na ibinigay ng PAGCOR ay patuloy na pinapabuti ang kondisyon ng pag-aaral ng maraming estudyante, marami pa ring eskwelahan at gusali ang kailangang buuin upang tuluyan nang masolusyunan ang problema ng kakulangan sa silid. Ang karagdagang pitong bilyong pisong pondo para sa sektor ng edukasyon ay malaking tulong na ang makikinabang ay ang mga kabataang Pilipino ng hinaharap,” ani Naguit. Sabi ng Department of Education (DepEd) Secretary Bro. Armin Luistro, kahit na 66,800 na kakulangan sa silid ang naresolba noong 2010, kailangan pa rin nilang bigyang pansin ang pangangailangan sa taunang pagkukumpuni at pamalit sa mga silid na 30 hanggang 50 taon na ang tanda.

“Meron pang 500,000 lumang silid ang kailangan nang palitan o ayusin. Hindi naman namin kayang gawin ito sa loob ng isang buong taon kaya kailangan naming unahin ang mga lumang silid  na nangangailangan ng atensiyon,” sabi niya. Dagdag niya, mula pa noon ang PAGCOR ay naging tapat sa misyon nito na mag-invest sa edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.  “Sa hirap at ginhawa, PAGCOR ang naging katuwang namin sa pagbibigay ng mas maayos na silid sa mga estudyante. Sila ang kasama namin sa pagsiguro na ang mga silid na ito ay matibay at tatagal,” wika niya.

Samantala, ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson, sa inisyal na dalawang bilyong pisong inilabas ng PAGCOR noong Abril 2013, nakumpleto na nila ang halos 75% ng kabuuang bilang ng mga silid na kailangang buuin.

“Sa 2015, ang target namin ay makumpleto ang 1,070 na silid. Sana, sa taong 2016 matapos na namin ang lahat ng silid sa pamamagitan ng karagdagang dalawang bilyong piso na natanggap namin mula sa PAGCOR ngayon,” paliwanag nito. Dagdag pa niya, ang mga silid na ito ay matibay at mataas ang kalidad. “Mapagmamalaki natin ang mga PAGCOR classrooms na ito. Mas matibay kumpara sa mga ordinaryong silid. Ganitong kalidad ng mga imprastraktura ang dapat ginagawa sa buong bansa,” aniya. Maliban sa patuloy na pagbubuo ng mga silid, inayos ng DPWH ang halos 700 na silid na nasira ng Super Typhoon Yolanda noong 2013 gamit ang pondo na iniambag ng PAGCOR. Halos 1,293 na silid ang nasira noong tumama ang bagyong Yolanda.

Upang maging pormal ang pagbibigay ng dagdag na dalawang bilyong piso ng PAGCOR para sa pondo, pumirma si Na­guiat ng Memorandum of Agreement kasama si DepEd Secretary Bro. Armin Luistro at DPWH Secretary Ro­gelio Singson. Ito ay hudyat ng simula ng pang-apat na yugto ng “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” project na nakatakdang bumuo ng karagdagang 1,500 na silid-aralan sa iba’t ibang lugar sa buong bansa. Nakasaad sa MOA, na ang PAGCOR ang tututok sa progreso ng pagbubuo ng mga silid. Sa kabilang banda, ang DepEd ang magbibigay ng mga guro at mga kagamitan na kailangan sa mga bagong silid tulad ng mga upuan at mesa kasama na rin ang pangangalaga sa mga ito.

Ang DPWH naman ang bubuo ng mga silid at maghahanda ng lahat ng mga dokumento at requirements na kailangan para sa construction. Simula nung inilunsad ang proyekto noong 2011, ang school building program ng PAGCOR, DepEd at DPWH ay  nakagawa na ng 906 na silid-aralan sa 201 na lugar sa buong bansa, habang 630 naman sa 123 na lugar ang kasalukuyang ginagawa gamit ang inisyal na limang bilyong piso na pondo. Kasama na rito ang 91 na silid-aralan sa Bohol na nasira ng malakas na lindol noong 2013.

Ilan sa mga lugar na mayroon nang mga bagong silid ay ang Baguio, Benguet, Ilocos, Pangasinan, Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna, Quezon Pro­vince, Antipolo, Rizal, Oriental Mindoro, Romblon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Catanduanes, Sorsogon, Bacolod, Iloilo, Negros Occidental, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Samar, Zamboanga, Cagayan de Oro, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Davao City, Davao del Sur, Davao del Norte at Sultan Kudarat.

Kami ay humahanga sa ginagawa ng PAGCOR para sa ating mga kabataan na sa kanilang paglaki sila ay maging kapaki- pakinabang na mamamayan sa ating bayan. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ARMIN LUISTRO

NEGROS OCCIDENTAL

PAGCOR

PARA

SECRETARY BRO

SILID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with