‘Tahanan ng mga Bayani’
NOONG nakaraang taon lamang milyun-milyon na ang Overseas Filipino Workers (OFW). Ang tinaguriang mga bagong bayani. Patuloy silang dumadami ngunit ano nga ba ang humahatak sa kanila para magpunta sa ibang bansa kundi sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya.
Iba-iba ang kanilang mga pangarap. Ang una dito ay maitaguyod ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya, ang iba naman ay makabili ng gamit at makapag-ipon. Karamihan sa kanila kapit sa patalim na, nakakaranas ng pagmamaltrato, pang-aabuso subalit nakikipagsapalaran pa din sila. Hanggat hindi nagagawan ng paraan ng gobyerno ang kakulangan ng trabaho mas dadami pa ang bilang ng mga OFW’s na susubok na magtrabaho sa ibang bansa. Ilan ba sa kanila ang nagtatrabaho sa gitnang Silangan na ang tingin sa kanila ay alipin?
Iba ang nakasaad sa kontratang kanilang pinirmahan bago umalis ng bansa ngunit pagdating sa kanilang mga employer hindi ito nasusunod. Tinitiis nila ang lahat ng ito dahil ang rurok ng kanilang pangarap ay magkaroon sila ng kanilang sariling bahay.
“Ang iba sa amin ay nakatira sa lugar na konting ulan lamang ay binabaha na. Ang komunidad ay hindi kaaya-aya para sa aming mga anak sa kanilang paglaki. Napakahirap na lumipat-lipat mula sa iba’t-ibang bahay na kung minsan ang ibang gamit ay iniiwan na lamang naming sa kahon. Kung may bahay na kami ang pakiramdam naming may kasiguruhan ang aming pamilya,” sabi ni Johana na taga Laguna.
Kaya naman bilang tugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan ang Property Company of Friends Inc., (Profriends) ay namuhunan hindi lamang sa anyo ng mga bahay na magiging silungan ng bawat pamilya kundi maging sa pag-uukol ng sarili sa isang ‘community-building activities’ para sa mga homeowners nito.
Nagsimula ng mga lecture at seminar ang Profriends tulad ng pagiging handa sa oras ng emergency, Waste Management, Materials Recovery Facility, Youth Leadership at pang kabuhayan gaya ng ‘meat processing’ at paggawa ng mga sabon.
Ito ay upang makatulong sa kanilang mga homeowners hindi lamang para hubugin ang kanilang mga sarili kundi para magkaroon sila ng mapagkakakitaan lalong lalo na ang mga ginang ng tahanan. Nakilahok sa mga aktibidad na ito ang mga homeowners ng iba’t-ibang komunidad ng Profriends.
“Maganda talaga ang mga gawaing ito, ang paraan na pinamamahalaan nila (Profriends) ang mga homeowners. Ang mga tao sa komunidad ay nagtutulungan at nagkakaisa,” wika ng isang homeowner mula sa Parc Regency Residences na si Mary Jane Rey.
Maging sa panahon ng kalamidad, pinamumunuan ng Profriends ang kanilang mga homeowners sa mga gawaing pangkawanggawa.
Sa simpleng pagbibigay ng mga pagkaing pwedeng ipadala, mga lumang damit at pagbabalot ng mga relief goods sila tumutulong.
“Pakiramdam ko nakakataba ng puso kasi nagseserbisyo ako para sa mga tao. Nagkaroon ako ng wake up call,” pag-alala ni Rey nang siya at ang iba pang mga homeowners ay nakilahok sa relief operations na ginawa ng Profriends matapos tumama ang bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Ang mga aktibong homeowners na nagsimulang sumali o makilahok sa ganitong uri ng community-building activities ay namuno at nanilbihan sa kani-kanilang komunidad. Napatunayan ito ng isang grupo ng homeowners sa Carmona Estates na naging mga volunteer.
“Sa Red Cross naman, sa rescue kami. Licensed Basic Life Support first aider kami,” pahayag ni Josephine Abejaron.
Ayon sa kanya ang Philippine Red Cross ay nagbibigay sa volunteer ng training. Hindi sila humingi ng kapalit sa kanilang pagseserbisyo at pagtulong sa kapwa. Ang makita lamang na may mga tao silang natutulungan ay sapat na bilang kabayaran.
“Gustung-gusto ko yung nakikipag-usap ako sa iba tapos nakakatulong ako sa kanila. Kung kaya ko rin namang tulungan, bakit hindi?” pagbabahagi ni Abejaron.
Labinglimang taon na ang Profriends sa industriya na nagpapatunay na kaya nilang ipagpatuloy ang kanilang misyon at pananaw para sa pamilyang Pilipino. Ang paglikha ng mga komunidad ay karaniwan na sa mga developers pero ang pagbago sa buhay ng mga tao ay ibang kwento. Marami sa mga naitayong tahanan ng Profriends ang bumago sa buhay ng ating mga kababayan. Tinutulungan sila upang maibahagi ang kanilang nalalaman at magmalasakit sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng simpleng pagtulong tuwing may kalamidad.
Bawat isa sa atin kahit hindi ka mayaman ay maaari kang makapagbigay ng pag-asa at makapagbahagi sa kapwa sa pamamagitan ng paggabay sa kanila sa oras na sila’y walang matatakbuhan. Kung nagsimula ang Profriends upang humikayat ng mga taong maaaring magkawanggawa at tumulong sa mga nangangailangan siguro’y panahon na din upang simulan natin ito sa ating mga sarili.
Hindi natin kailangan ng malaking halaga upang tumulong. Sapat na ang kagustuhan natin makatulong at ang intensiyon mapabuti ang ating kapwa.
Ugaliing makinig ng programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn). (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest