Manong Wen (88)

AATRAS sana si Jo nang makita ang ginagawang pagpapalit ng damit ni Princess. Hindi kasi tama iyon. Parang binabastos na niya si Princess. At naisip din niyang parang hindi pinahahala­gahan ang pagkakaibigan nila ni Manong Wen. Pero ano ang magagawa niya? Humahanga siya sa kagandahan ni Princess. At wala namang masamang intensiyon ang pagsilip niya kay Princess. Hindi naman niya alam na magbibihis pala ito. Akala niya ay basta nasa kuwarto lamang nito.

Ipinagpatuloy niya ang pagsilip kay Princess. Nakita niya ang magandang hubog ng katawan. Perpekto ang kurbada na para bang nililok ng isang mahusay na eskultor. Tamang-tama ang umbok ng puwit. Flat na flat ang sikmura. Siksik na siksik ang katawan ni Princess. Siguro’y dahil sa araw-araw na paglalakad para magtinda ng bibingka. At lalo pang naging firm ang katawan nang magpraktis ito ng arnis. Napakaganda ng katawan ni Princess.

Sinulyapan niya ang dalawang “umbok” na dibdib. Tamang-tama ang umbok. Tayung-tayo. Pink na pink ang nasa gitna ng dalawang dibdib.

Ang hindi mabistahan ni Jo ay ang inaasam niyang “kaangkinan” nito. Nakatagilid kasi si Princess. Ni ang “pugad” ay hindi niya mahagip. Ahh, lalong nanabik si Jo. Pero igagalang niya si Princess.

Napaatras si Jo nang makitang tapos na si Princess sa pagbibihis at akma nang lalabas.

Mabilis na nakatakbo palabas si Jo at nagbalik sa pinagtataguan. Safe na siya roon. Inimadyin niya ang magandang katawan ni Princess.

SUMUNOD na araw, nakita ni Jo na maagang umalis si Princess. Naka-uniporme na ito. Ba’t kaya maaga? Alam niya, ala-una pa ang klase nito. Pero ngayon ay alas nuwebe pa lamang at papasok na. May mahalagang gagawin?

Lihim niyang sinubaybayan si Princess.

(Itutuloy)

Show comments