Sumipsip Araw-araw
NAKATUWAANG tanungin ng mga katekista ang kanilang parish priest:
“Father, halimbawa’y sinabihan ka ni Kamatayan na last day mo na bukas dahil mamamatay ka na sa makalawa, ano ang gagawin mo?
“Gigising ako sa ika-4 ng umaga. Mag-aalmusal. Pagsapit ng ika-5 ay magmimisa. Mag-e-exercise. Bandang ika-9 ng umaga hanggang ika-11 ay maglelektyur sa mga katekista. Pagkatapos magtanghalian ay makikipag-chess kay Father Jessie. Sandaling siesta at sa hapon ay magmimisa muli. Manonood ng balita sa gabi bago maghapunan. Tapos…”
“Father, e, pangkaraniwang ginagawa mo iyan sa araw-araw!”
“So…?”
“Last day mo na sa mundong ito, Father, wala ka man lang gagawing espesyal?”
“Kagaya ng…?”
“Mga bagay po na pampa-impress sa Diyos. Pampasipsip para 100 percent sure na tatanggapin ka sa langit.”
Napangiti ang pari.
“Sa palagay ba ninyo ay makukuha lang sa isang araw ang karapatang mapapunta sa langit? Hindi mabubura ng isang araw na kabutihan ang mahabang taon na paggawa ng kasalanan. Kaya para maging laging handa, be good everyday. Sumipsip ka na nang sumipsip sa Diyos araw-araw sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabutihan sa kapwa.”
- Latest