^

Punto Mo

Payo kay Mr. Egco

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Dadalaw si Mr. Lamont Siller, ang legal attaché ng US embassy sa Camp Crame bukas. Ang tatanggap kay Siller ay si Dep. Dir. Gen. Felipe Rojas Jr., ang officer-in-charge (OIC) ng PNP. Naka-on leave pala si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima.

• • •

Marami ang nagtaas ng kilay sa pahayag ni National Press Club (NPC) president Joel Egco na lilinisin niya ang hanay ng media sa mga tiwali, lalo na ang mga sangkot o protektor ng jueteng. Ano kaya ang gagawin ni Mr. Prexy para makamit ang historic niyang adhikain? May kakayahan kaya ang NPC para mapahinto ang jueteng at iba pang sugal? Ewan ko no? Si DILG Sec. Mar Roxas at PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima kaya, may kakayahang mapahinto ang illegal gambling? Puwede! Subalit sina Roxas at Purisima ay mga political appointee at maaring masapawan ang desisyon nila laban sa illegal gambling ng kanilang patron na si P-Noy. Malinaw na ang power para mapasara ang jueteng at iba pang uri ng sugal ay nasa kamay ni P-Noy, di ba mga kosa? Hehehe! Marami nang Presidente ang nagtangkang ipasara ang jueteng subalit nagtagumpay ba sila? Boom panes!

Pero tama ang bintang ni Mr. Egco na marami sa hanay ng media ang nakikisawsaw sa jueteng at iba pang sugal. Halimbawa ay ang grupo nina Armando Jota, Ronald Jota, Romel Jota, Albino Guevarra, Jay Ilagan, Ric Isidro, Art de Guzman, Roland San Jose at Danny Laxa na armado ng camera at malalaking ID ng media subalit hindi nakalagay kung ano ang diyaryo nila. Kapag hindi nila nagustuhan ang iniabot sa kanila, ang modus operandi ng grupo ay magpakita ng litrato o mag-text sa police commanders at kukulitin na ipasasara ang mga pasugalan. Hindi lang sa Metro Manila nag-oorbit ang grupo kundi maging sa Central at Southern Luzon, ayon sa mga kosa ko. Paano mo madidisiplina ang grupong ito Mr. Egco? Babawiin mo ang ID card nila? Sa tingin ng mga kosa ko, hindi naman sila legitimate na miyembro ng NPC at kung may ilan mang miyembro, kahit bawiin mo ang ID nila hindi rin mapipigil na mag-orbit sila, di ba mga kosa? Kasi nga, kinagiliwan na nila ‘yan. Pero para maniwala ang mga kosa ko na seryoso ka Mr. Egco, unahin mong kilitiin si Boy Arson at tiyak maraming papuri kang matatanggap, hehehe! Masalimuot ang problemang dulot ng illegal gambling, di ba mga kosa? Mismo!

Kung sabagay, ang illegal gambling ay hindi naman sa ngayon lang sumulpot. Nagkaroon na ng lifestyle check ang PNP noon subalit andyan pa ang jueteng. Nagkaroon din ng Senate hearing ang jueteng, subalit andyan pa rin ito sa kalye. So sa tingin ng mga kosa ko, ang dapat kausapin ni Mr. Egco sa problemang dulot ng jueteng ay si P-Noy. Tumpak! Dahil kapag napasara ni P-Noy ang illegal gambling, hindi lang ang hanay ng media ang malinis sa bintang na corruption kundi maging ang PNP, NBI, GAB at iba pa. Hehehe! T’yak ‘yun! Sa ganang akin naman, super ganda itong adhikain ni Mr. Egco at 101 percent ang suporta ko dito. Tibagin mo na si Boy Arson Mr. Prexy! Abangan!

ALAN PURISIMA

ALBINO GUEVARRA

ARMANDO JOTA

BOY ARSON

CAMP CRAME

JUETENG

MR. EGCO

MR. PREXY

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with