^

Punto Mo

Marumi ang Kulay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAGMAMADALING pumasok sa isang mamahaling ospital sa New York ang mag-anak na Smith. May mahalaga raw sasabihin sa kanila ang doktor ni Ashley, ang kaisa-isang anak na may iniindang sakit ng mag-asawang Smith.

Wala pa ang doktor kaya umupo ang mag-anak sa waiting area na may limang upuan. May nadatnan sila doon na lalaking nakaupo. Mukhang Asian. Kumpara sa bihis ng pamilya Smith, na naghuhumiyaw sa kasosyalan, ang damit ng lalaki ay luma bagama’t malinis naman. Ito marahil ang dahilan kung bakit hinila agad ni Mrs. Smith ang anak palayo sa lalaki, matapos  umupo ang anak sa tabi nito.

Binulungan ng ina si Ashley pero sa kasamaang palad ay nahagip iyon ng pandinig ng lalaki: Huwag kang lumapit sa kanya. Tingnan mo ang kulay niya, mukhang marumi. Mahina ang resistensiya mo, baka na naman maulit ang infection mo. Nagsalita rin ang ama: Oo nga, makinig ka sa iyong Mommy.

Pigil na pigil ang damdamin ng lalaki. Anong karapatan ng mga puting ito na husgahan ang kanyang pagkatao base sa kulay ng kanyang balat. Mga hambog! Pero pilit niyang pinakalma ang sarili. Maya-maya ay lumabas ang nurse. Pinapasok ang mag-anak na Smith, kasama ang lalaking brown ang kulay.

Ang mag-anak ay umupo sa harapan ng desk ng doktor. Ang lalaki ay tumayo lang sa may pintuan. Napansin iyon ng doktor: Halika Mr. Nhek, pumasok ka. Tumingin ang doktor sa mag-anak na Smith. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. A, siyanga pala Mr. and Mrs. Smith, may nakuha na akong bone marrow donor kay Ashley. At ang masaya pa, hindi siya magpapabayad dahil nalaman niya na bata ang nangangailangan.

Gumuhit ang saya sa mukha ng mag-anak. “Sino ho ang mabait na donor?”

“Siya!” sabay turo ng doktor sa lalaking nilalait nila kanina sa labas ng clinic.

Parang nahihiyang nag­salita ang lalaki, “Dok nag­bago na ho ang isip ko, umu­urong na ako sa ating usapan na maging bone marrow donor­. Paumanhin po. Bye.”

Naiwang nakatulala ang doktor at ang mag-asawang Smith. Takang-taka ang doktor kung bakit biglang nagbago ang isip ng sana’y bone marrow donor. Si Ashley ay ampon lang ng mag-asawang Smith. Anak ito sa pagkadalaga ng dati nilang Cambodian housekeeper. Ang lalaking nilait nila ay Cambodian na nag-aaral sa New York bilang scholar ng kanilang bansa. Sayang, su­werteng nag-match si Mr. Nhek kay Ashley bilang donor dahil pareho sila ng pinagmulang lahi.

ANAK

ASHLEY

DOKTOR

MAG

MR. NHEK

MRS. SMITH

MUKHANG ASIAN

NEW YORK

SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with