Bridal gown na gawa sa China, 4 na kilometro ang haba
LAYON ng mga mananahi sa China na makuha ang isang world record – ang makagawa nang pinakamahabang bridal gown sa mundo.
Mukhang hindi naman sila mabibigo dahil nagawa nilang makapagtahi ng isang bridal gown na umabot sa habang 4,100 metro o higit pa sa apat na kilometro.
Ang napakahabang bridal gown ay gawa ng mga mananahi mula sa bayan ng Xiangxunshangu at inabot sila ng isang buwan bago natapos ang kasuotang gagawin nilang pambato sa Guinness Book of World Records.
Sa sobrang haba ng kanilang nagawa ay kinailangan nilang ilatag ang traje de boda sa isang malawak na taniman habang suot ng isang modelo. Sa timbang na 120 pounds ay napakabigat din ng gown dulot nang napakaraming tela na ginamit sa paggawa nito. Sa dami rin ng materyales na ginamit ng mga mananahi ay aabot sa 40,000 yuan (P300,000) ang presyo nito.
Lubos namang umaasa ang mga gumawa ng bridal gown na makukuha nito ang world record dahil isa’t kalahating metro ang lamang nito sa haba ng isang bridal gown na gawa sa Romania na kasalukuyang humahawak ng titulo.
- Latest