ANG alindog ng 23 taong gulang na Cebuana ang nangibabaw sa 28 naggagandahang kababaihan mula sa iba’t ibang parte ng bansa matapos itong parangalan bilang Miss Casino Filipino 2014 noong katatapos lamang na grand coronation night na ginaganap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.
Si Rogelie Catacutan na tubong Lahug City ang nagwagi laban sa dalawa pa nitong kasamang nagrepresenta sa Casino Filipino Cebu at sa iba pa na nagmula sa iba’t ibang sangay ng Casino Filipino sa Bacolod, Davao, Iloilo, Angeles, Olongapo, Tagaytay, Malabon, Hyatt at Pavilion. Tinanggap niya ang grand prize na limang daang libong piso (P500, 000) at tatlumpong libong piso (P30, 000) para sa mga titulo na Best in Swimsuit, Best in Long Gown at Best in Talent. Ang Miss Casino Filipino ay ang mamimili kung anong charitable institution ang mabibigyan ng dalawang daang libong piso (P200, 000) mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Sa kabila ng pagkapanalo nito ng tatlong special awards, ayon kay Catacutan hindi niya pa rin inasahan na makukuha niya ang korona.
“All throughout the competition, talagang sobra ang kaba ko kasi lahat ng mga kalaban ko ay magaganda rin and equally deserving sa crown,” wika niya. Higit sa karangalan ng pagkapanalo ng titulo ng Miss Casino Filipino, itinuturing niya na isang malaking tagumpay ang pagkakaroon niya ng oportunidad na ilaganap ang kanyang adbokasiya na paunlarin ang buhay ng mga batang kapus-palad. “Siyempre natutuwa ako sa nakamit ko. Pero mawawalan ito ng halaga kung hindi ako gagawa ng mga bagay na kapaki pakinabang sa maraming tao, lalo na sa mga batang kapus-palad. Para sa akin, lahat ng ito lilipas ngunit hindi ang positibong epekto ng marangal na layunin,” wika nito.
Kasama ni Catacutan sa top 5 ang 1st runner-up na si Emma Tiglao mula sa CF Angeles, ang kapwa niya kumatawan sa CF Cebu na si Maria Fatima Saudia Al-Sowyed bilang 2ndrunner-up, Julienne Hazel Penserga – 3rd runner-up at ang kumatawan sa CF Hyatt na si Jannie Loudette Alipo-on bilang 4th runner-up. Ang 1st runner-up ay tumanggap ng P400,000, para naman sa 2nd runner-up P300,000. Dalawang daang libong piso (P200,000) naman para sa 3rd runner-up at P100,000 naman para sa 4th runner-up.
Dalawa naman sa pambato ng CF Bacolod ay tumanggap din ng special award. Si Roselyn Corilla ay pinarangalan bilang Asia’s Friendliest at Miss Social Media Darling naman si Joy Jontillano. Samantalang ang 1st runner up na si Tiglao ang tinanghal bilang Miss Photogenic. Si Corilla at Tiglao ay parehong tumanggap ng P10,000 para sa pagkapanalo ng special award. Plake, overnight accommodation at P5,000 gift check naman ang kay Jontillano.
Ang PAGCOR AVP Entertainment and Bingo Department na si Bong Quintana na isa sa mga hurado ay natutuwa sa tagumpay ng timpalak. Ang gabi ng parangal na ginanap sana noong Setyembre 19 at naurong nang Setyembre 21 dahil binaha ang Metro Manila na resulta ng bagyong Mario.
“Masayang Masaya ako dahil natuloy pa rin ang Miss Casino Filipino 2014 sa kabila ng epekto ng katatapos lamang na bagyo. At least, naging maayos ang lahat. Sa ngayon, ang prayoridad namin ay ang pag-aayos ng mga kontrata ng mga nanalo sa PAGCOR, kasama na yung kung paano natin matutulungan ang napiling charity ng ating Miss Casino Filipino,” pagpapaliwanag nito.
Ayon sa isa pang hurado na socialite at newspaper columnist na si Tessa Prieto-Valdes, nahirapan sila sa pagpili ng grand winner mula sa mga nakapasok sa top five dahil lahat sila ay karapat dapat sa titulo. “Magaganda at matatangkad silang lahat. Sa katunayan, sa aming mga hurado, kinailangan namin ng tie-breaker para sa first runner-up at winner dahil nakakuha sila ng parehong punto para sa kategorya ng Best in Long Gown at Best in Swimsuit,” pagbibigay diin nito.
Ang dati namang basketball heartthrob na si Vince Hizon, na isa sa mga guest jurors ay napahanga matapos niyang malaman na ang layunin ng patimpalak ay hindi lamang upang ipagdiwang ang kagandahan ng mga Filipina kundi isang kompetisyon na magbubukas ng oportunidad sa mga ito na makatulong sa mga nangangailangan. “Nais kong batiin ang PAGCOR para sa patimpalak na hindi lamang mag aangat sa ganda ng mga Filipina. Madalang akong makarinig ng isang kompetisyon na magbibigay ng pagkakataon sa mga nanalo na makagawa ng malaking pagbabago sa buhay ng kanilang kapwa,” wika nito.
Kasama rin nila Quintana, Valdes at Hizon sa panel of judges ang Presidente ng PAGCOR at COO Jorge Sarmiento, ang Mutya ng Pilipinas Tourism International Glennifer Perido at Hospitality Headhunter, trainer at Consultant Vic Alcuaz. Ang Miss Casino Filipino 2014 Coronation Night ay pinangunahan ni Binibining Pilipinas-Universe 2009 title holder Bianca Manalo at TV host-actor Gabby Eigennman. Ang mga guest performers ay sila Kyla, Marcus Davis, Luke Mejares, Randy Santiago, the Whiplash at Buganda Dancers. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN O MAY PROBLEMANG LIGAL magpunta lang sa 5th Floor CityState Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Maari kayong magtext sa mga numerong 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Magdala lang kayo ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.
Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat”. Lunes-Biyernes 2:30PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Sa DWIZ 882 KHZ AM BAND. Makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna.
Sa mga taong may problemang medikal, walang kakayahang magpagamot maari din kayong lumapit sa tanggapan ng “PUSONG PINOY”, sa parehong address: 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City, Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga. Huwag niyo kalimutang magdala ng photocopy ng inyong ‘Updated Medical Abstract’. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY” tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Sa DWIZ 882KHZ, AM BAND.