^

Punto Mo

Manong Wen (66)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, muling inabangan ni Chester si Precious. Plano niya si Precious na lamang ang kakaibiganin para lamang mapalapit muli kay Princess. Nakita na siya minsan ni Precious noon pero hindi niya alam kung natatandaan pa siya nito.

Nang mapatapat sa kinatatayuan niya si Precious, tinawag niya ito. ‘‘Precious !’’

Bakas sa mukha ni Pre­cious ang pagkagulat. ‘‘Ha?’’

‘‘Nakalimutan mo na ako?’’ tanong ni Chester habang nakatingin sa magandang mukha ni Precious.

“Hindi po kita matandaan. Sorry po!’’

“Ako si Chester! Yung dating siyota ng ate mo.’’

Kinabahan si Precious pero hindi siya nagpahalata. “A e nalimutan ko na po. Bata pa po ako noon.’’

‘‘Oo nga bata ka pa noon pero ngayon ay ang ganda-ganda mo na. Magkasingganda na kayo ng ate mo. O baka mas maganda ka pa! Anong age mo na, Precious?’’

“Ho? A e fourteen po.’’

“Wow! Tamang-tama!’’

“Ano pong tamang-tama!’’

“A e tamang-tama ang edad mo sa ganda ng mukha mo.’’

Kinabahan si Precious. Tama nga ang Ate Princess niya, mukhang sira na ang ulo ng taong ito. Muk­­hang nasobrahan na sa pagdu-droga.

“Sige po, may klase pa po ako.’’

“Teka sandali at may itatanong pa ako sa’yo.’’

‘‘May klase pa po ako.’’

“Sandali lang. Nasa­an ba ang Ate Princess mo at hindi ko na nakikita?’’

“Wala po. Sige po!’’

Nagtatakbo na si Princess. Tuluy-tuloy.

Naiwan si Chester. Inis. Mainit ang ulo. Parang nabastos siya ni Precious. Pero muling napangiti habang tinatanaw ang malayo nang si Precious. Maganda si Precious at batambata pa. Birhen na birhen pa. Marami ang may gusto sa birhen!

Nang umuwi si Precious ay agad niyang sinabi kay Princess ang nangyari.

“Takot na takot ako Ate. Kasi’y yung tingin ng Chester na yun ay para akong hinuhubaran. Yung mata niya ay parang naglalagos sa damit ko. Nakatitig pati sa suso ko kaya takot na takot ako.’’

“Ano pang sabi ng ha-yop na yun?’’

“Maganda raw ako. Mas maganda pa raw ako kaysa sa’yo.’’

‘‘Malaki ang pagnanasa sa’yo. Mukhang masama ang balak.’’

‘‘Nang tanungin niya ang age ko at sinabi kong fourteen ako, sabi ba naman, tamang-tama raw. Ano ka­yang ibig sabihin nun, Ate?’’

Nag-iisip si Princess. De­likado ang lagay nilang mag­kapatid sa hayop na si Chester. Mukhang dalawa silang tutuhugin!

(Itutuloy)

AKO

ANO

ATE PRINCESS

KINABAHAN

MAGANDA

MUKHANG

NANG

NIYA

PRECIOUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with