^

Punto Mo

Modus!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dahil sa papalapit na nang papalapit ang holiday season, kaya naman paspas ngayon ang mga kawatan sa kanilang mga operasyon.

Iba’t iba ang mga modus ng mga kawatang kriminal na dapat na pag-ingatan ng ating mga kababayan.

Uunahin na natin na bigyang babala ang mga kababayan natin na madalas na sumakay ng taxi.

Nand’yan na naman at gumagala ang ilang kawatang taxi driver.

Ilan dyan kasabwat ng mga kawatan.

Nand’yan ang modus na tinatawag na ‘Ipit taxi’.

Kasabwat ng mga kawatan ang mismong driver.

Ang modus nito, magsasakay ng pasahero at madalas kung saan-saan idadaan tapos biglang ititigil ang sasakyan, may biglang sasakay at papagitnaan ang pasahero sa likod. Doon na ito hoholdapin at kukunin ang lahat ng gamit ng pasahero.

Tip lang sa ilang pasahero, pagsakay na pagsakay ng taxi kunin agad ang plaka ng taksi na inyong sinakyan, kung pwede i-text na agad ito sa inyong kaanak o kaibigan, para anu’t-anuman nairekord na agad.

Hindi lang daw sa taxi nangyayari ang ganito, sa ilang pampasaherong jeep at bus, may natanggap din tayong ulat ng may kasabwat ding mga kawatan at ang pinabibiktima ang kanilang mga pasahero.

May naitatala rin namang pag-atake ng  ‘Gapos gang’.

Kung saan pinapasok ng mga kawatan ang target nilang mga bahay saka igagapos ang lahat ng nasa loob saka ma­ngungulimbat.

Talagang kapag malapit na ang holiday season, parang kabuteng nagsusulputan ang mga ito. 

Kaya naman hamon natin sa PNP na bagamat nahaharap ngayon sa sunud-sunod na kontrobersiya ay matutukan pa rin nang husto ang ganitong mga modus at mabantayan ang ating mga kababayan.

 

DAHIL

ILAN

IPIT

KASABWAT

KAYA

NAND

TALAGANG

UUNAHIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with