^

Punto Mo

Hotel sa US, itinayo sa loob ng bundok

- Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang napiling lokasyon ng isang hotel sa United States. Sa halip kasi na itayo ito sa gitna ng isang matataong lugar, sa loob ng isang bundok sa Arkansas itinayo.

Nagsimula ang kuwento ng hotel noong 1983 nang ma­isipan ni John Hay na magtayo ng isang lugar na puwede niyang mapagtataguan sakaling magkagiyera sa pagitan ng US at Soviet Union. Upang masiguradong siya ay makakaligtas sakaling magpaulan ng bomba ang magkabilang panig ay pinili niyang gumawa ng isang bunker sa loob mismo ng isang bundok.

Hindi nangyari ang inaasahang giyera ni John Hay. Kaya naman para mabawi ang ginastos niya sa pag-uka ng bundok ay ibinenta niya ito sa isang kompanya na siyang nag-remodel sa bunker upang maging isang hotel.

Pinangalanang Beckham Creek Cave Lodge ang hotel at ito ay kumpleto sa lahat ng bagay na makikita sa isang pangkara­niwang hotel. Mayroon itong mga magagarang muwebles at mga maaaliwalas na kuwartong puwedeng ipagmalaki.

Ngayon ay panguna­hing tourist at­traction na ang Beckham Creek Cave Lodge sa Arkansas. Nagi­ging popular na rin itong venue para sa mga kasal dahil sa kakaiba nitong lokasyon.

BECKHAM CREEK CAVE LODGE

ISANG

JOHN HAY

KAYA

MAYROON

NAGI

PINANGALANANG BECKHAM CREEK CAVE LODGE

SOVIET UNION

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with