KUNG ang ibang alagad ng sining ay sinisiguradong makikita ng publiko ang kanilang mga likha upang tangkilikin ang mga ito, kabaliktaran naman ang ginagawa ng iskultor na si Jason deCaires Taylor.
Sa halip na ilagay sa mga lugar kung saan madaling makita ang kanyang mga iskultura, sa ilalim ng dagat inilalagay ni James ang kanyang mga nagawang istatwa. Sa katunayan, sa dami ng mga nalikha niyang istatwa, nakabuo na siya ng kauna-unahang museo na nasa ilalim ng dagat.
Layunin ni Jason na ipakita sa pamamagitan ng kanyang underwater museum ang pakikibagay ng tao sa kalikasan kaya ang mga istatwang hugis tao na kanyang nililok ay hinahayaan niyang tubuan ng mga lumot at corals. Ang mga nasabing istatwa ay gawa rin sa mga materyales na hindi makakasama sa mga lamandagat.
Ang museo ay malapit sa baybayin ng Cancun, Mexico at nagbukas noong 2006. Marami na ang sumisisid sa dagat para makita ang mga likha ni Jason. Unti-unti na ring nakikilala ang kanyang museo bilang isa sa mga tourist attraction nang isa sa mga pinakasikat na beach sa Mexico.