^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga bulok na sasakyan huwag nang ipasada

Pang-masa

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng mga high school students na namatay makaraang ma­hulog ang sina­sakyan nilang Ford Fiera sa isang bangin sa Buguias­, Benguet noong Miyerkules ng hapon. Bumagsak ang sasakyan sa isang sapa. Labintatlo ang namatay kasama ang drayber.

Ayon sa report, binabagtas ng Fiera ang paahong kalsada nang pasakayin ng drayber ang mga estud­yante ng Poblacion National High School. Karaniwan na raw ang pagpapasakay sa mga estudyante sa­pagkat walang sasakyang nagdadaan sa nasabing lugar. Pagsakay umano ng mga estudyante, nahirapan nang makaahon ang Fiera at nagsimula nang dumausdos hanggang tuluyan nang nahulog sa bangin at nag­landing sa sapa. Pito ang namatay on the spot kasama ang drayber. Ang iba pa ay naisugod sa ospital pero dead on arrival. Ayon sa isang estudyanteng nakaligtas, bigla na lang daw umatras ang Fiera nang makasakay ang mga estudyante at sa isang iglap, nahulog na sila sa bangin.

Ayon sa mga pulis, human error o pagkakamali ng drayber­ ang dahilan kaya nangyari ang malagim na aksidente. Nataranta raw ang drayber nang umatras ang Fiera.

Maaaring nagkamali ang drayber at nataranta pero hindi sana nangyari ito kung pinagbawalan na noon pa ng LTO o LTFRB na huwag nang ibiyahe ang mga lumang sasakyan. Ayon sa report, dilapidated na ang Fiera at hindi na kaya pang makaahon sa mataas na lugar.

Pero dahil mas mahalaga sa LTO at LTFRB ang kikitain sa mga magpaparehistrong sasakyan, kahit na kakarag-karag at wala nang preno ay irerehistro pa. Sana sila na ang kusang mag-reject sa mga sasakyang iparerehistro kapag nakitang wala nang kakayahan pa. Huwag nang ipagsapalaran ang buhay ng mga sasakay. Huwag nang hayaan pang may mamatay. Ibenta na lang sa junkshop ang mga kakarag-karag na sasakyan. Huwag nang ipasada.

AYON

BENGUET

FIERA

FORD FIERA

HUWAG

NANG

POBLACION NATIONAL HIGH SCHOOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with