^

Punto Mo

Manong Wen (45)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ISANG damit lang ang ipinadala ko sa kanya  ang abaya na agad niyang isinuot dahil hubad na hubad siya. Maliban sa abaya ay wala na siyang dadalhing iba pang gamit. Nagmakaawa siya sa akin na dadalhin daw niya ang kanyang handbag. Sabi ko’y hindi dahil ako rin ang bumili nang mamahaling bag na iyon. Ang ginawa ko, kinuha ko lang sa bag ang kanyang mga gamit --- Iqama, ID sa hospital at ilang document at ibinigay sa kanya.

“Pagkabigay ay ipinagtabuyan ko siya sa labas. Umiiyak siya. Patawarin ko na raw siya. Ako raw ang talagang mahal niya at hindi si Arthur. Napilitan lang daw siya. Magpapakasal daw kami.

“Sabi ko sa kanya, hindi na niya ako maloloko pa. At kung ayaw niyang masaktan pa, umalis na siya. Bago muling magdilim ang aking paningin ay umalis na siya at baka mapatay ko pa siya.

“Dahil sa takot, nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto. Mabait pa nga ako at binigyan pa siya ng damit na abaya. Kung sa iba siguro nangyari ang pagtorotot niya, baka pinalayas siya na walang saplot sa katawan. Kahiya-hiya sana ang dadanasin niya na naglalakad sa kalsada na hubo’t hubad at pinagti-tinginan nang ma­raming tao...’’

Huminto si Jo sa pagkukuwento at huminga nang malalim.

Si Princess ay nananatiling nakatingin kay Jo. Hindi nito akalain na masyado palang masaklap ang nangyari sa buhay nito habang nasa Saudi.

“Ano pong nangyari pagkatapos? Hindi na po nagbalik si Gemma?’’

‘‘Hindi na.’’

‘‘’Yun pong si Arthur ano ang nangyari nang tumakas ito makaraan mong habulin?’’

“Masaklap ang nangyari sa kanya. Agad siyang siningil sa mga nagawa sa akin.’’

‘‘Ano pong nangyari?’’

‘‘Nasagasaan siya ng gabing tumakas sa akin. Ang nakasagasa ay kotseng minamaneho ng mga tinedyer na Saudi. Hit and run. Naputulan ng dalawang paa. Ayon pa sa mga nakakita, naka-brief lang si Arthur. Mula noon wala na akong balita. Siguro, pinauwi na siya ng kompanya niya.”

“Nagbayad po agad siya sa kasalanan. Karma po ang tawag dun.’’

“Oo nga.’’

“Paano po ang mara-ming pera na nahuthot sa iyo? Hindi mo na nabawi?’’

Nagtawa si Jo.

‘‘Wala na. Hinayaan ko na. Sino pa ang sisingilin ko?’’

“Hindi mo na po nakita si Gemma?’’

‘‘Hindi na. Minsan, pinuntahan ko ang ospital na pinagtatrabahuhan. Wala na raw dun. Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na namatay na raw.’’

(Itutuloy)

 

ANO

AYON

DAHIL

HANGGANG

SABI

SI PRINCESS

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with