• Pahiran ng suka ang kuko bago aplayan ng cutex. Nakakatibay ito ng cutex.
• Ispreyan ng pabango ang inyong brush para kapag nag-brush ka ng buhok, kakapit ang pabango sa iyong buhok.
• Pantanggal ng Hangover:
1. Uminom ng Sprite. Kung gutom, partneran mo ng crackers. Base sa Chinese researchers, nag-testing sila ng 57 inumin at Sprite ang natuklasan nilang the best.
2. Kumain ng asparagus. Nagpoprotekta sa iyong atay, pinipigilan ang sakit ng ulo, pagkapagod at pagsusuka.
3. Uminom ng maraming tubig.
4. Mag-exercise.
5. Mag-hot shower.
• Magandang panlinis ng mukha ang water at honey.
• Gamiting cuticle conditioner ang chapstick. Ito ang ipahid kapag nanunuyo ang iyong cuticle.
• Feeling bloated? ‘Yun bang biglang lumaki ang iyong tiyan at may pakiramdam kang punong-puno ang tiyan pagkatapos ng isang masaganang kainan. Paghaluin ang three-fourth cup tubig at isang kutsarang apple cider vinegar. Ito ang inumin. Pagkaraan ng 30 minuto, liliit na ang iyong tiyan dahil natunaw na ang iyong kinain sa tulong ng apple cider.
• Wala nang oras para mag-shampoo? Lagyan ng baby powder ang iyong buhok at saka suklayin ng brush.
• Kung na-sunburn at humahapdi ang balat, maligo sa tubig na hinaluan ng matapang na black tea. Hindi nito maibabalik ang dating kulay ng balat pero tatanggalin ang hapdi sa balat.