^

Punto Mo

EDITORYAL - Bangis ng riding-in-tandem

Pang-masa

PAALALA ng pulisya sa mamamayan, mag-ingat sa mga criminal ngayong pumasok na ang “ber” month. Ang sinasabi marahil ng pulisya rito ay mag-ingat sa mga magnanakaw --- holdaper, carjacker at snatcher na mambibiktima sapagkat ngayong panahon karaniwang maraming pera ang mga tao dahil sa papalapit na Kapaskuhan. Marami ring pinagkakakitaan ang mga tao ngayon kaya aktibo ang masasamang loob. Marami silang mabibiktima.

Dapat din namang ipaalala ng pulisya sa mamamayan ang pag-iingat sa mga motorcycle riding men na nambibiktima. Sangkot na rin ang mga taong nakamotorsiklo (karaniwa’y magkaangkas) sa panghoholdap sa mga convenient store, gasolinahan at mga computer shop. Sa mga nakaraang buwan, sunud-sunod ang pambibiktima ng mga magnanakaw na nakamotorsiklo.

Ang pinaka-matindi ay ang pag-ariba ng mga mamamatay-taong nakasakay sa motorsiklo. Walang awa kung pumatay ang riding-in-tandem. Walang patawad. Kahit babae ay pinapatay at saka nanakawin ang pera nito.

At kahit na pulis ay pinapatay ng riding-in-tandem. Walang magawa ang PNP sa pagdami ng kasong ang sangkot ay ang riding-in-tandem. Para bang naging laruan na lamang sa riding-in-tandem ang pumatay. Balewala na lamang pumatay kahit sa harap ng asawa at anak ng kanilang target.

Kamakalawa, isang police officer ang tinam­bangan ng apat na lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Novaliches, Quezon City. Paglabas ng kotse ng police officer, niratrat ito ng bala. Namatay ang opisyal sa dami ng tama. Hindi naman tinamaan ang asawa at anak ng opisyal.

Kahit pulis ay tina-target ng riding-in-tandem. Wala nang takot. Hahayaan ba ng PNP na basta na lamang patayin ng tandem ang kanilang opisyal? Ipakita ng PNP na kaya nilang putulin ang sungay at pangil ang tandem. Patunayan na kaya nilang durugin ang mga criminal.

BALEWALA

DAPAT

HAHAYAAN

KAHIT

MARAMI

QUEZON CITY

TANDEM

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with