1. Ang Facebook founder na si Mark Zuckerberg ay madalas pa rin kumain sa pang masang hamburger restaurant. Simpleng t-shirt at hoodie ang kanyang isinusuot sa trabaho araw-araw. Net worth: $33.3 billion
2. Ang Google cofounder na si Sergey Brin ay namimili sa supermarket na kilalang may murang bilihin. Hindi raw siya kuripot, wise lang daw siya sa paggastos. Magkaganoon pa man, bongga siyang magkawanggawa. Nagbigay siya sa charities ng $219 million noong 2013. Net worth: $30.9 billion
3. Ang Twitter cofounder na si Biz Stone ay hindi nagpapalit ng kotse. Iyon pa rin luma at may yupi niyang Volkwagon Golf ang patuloy niyang minamaneho. Pero bigay todo siya sa bahay na binili niya para sa kanyang ina. Net worth: $200 million.
4. Para kay Google investor David Cheriton ang pagbili ng Honda Odyssey sa halagang $33,000 noong 2012 ay pang-i-spoiled na sa kanyang sarili. Ito ay sa kabila ng kanyang net worth na $1.3 billion.
5. Si Carlos Slim Helú, chairman and CEO of Telmex at América Móvil, ang pinakamalaking telecommunication companies sa Latin America, ay sa dating bahay pa rin niya nakatira. Hindi siya nagpapalit ng bahay sa loob ng 30 taon. Net worth: $76 billion
6. Heto ang “height” ng kasimplehan ng mga bilyonar-yong ito: Ang Dish Network chairman na si Charlie Ergen ay nagbabaon ng kanyang lunch araw-araw. Ang Dish Network ay isang American direct-broadcast satellite service provider. Net worth: $16.3 billion
Simplicity is the ultimate sophistication. - Leonardo da Vinci
Simplicity is making the journey of this life with just baggage enough. - Charles Warner