Taga-media at sibilyan

Mga taga-media at mga sibilyan

doon sa Maguindanao ay pinaslang;

dinakip ang mga suspect sa patayan

nililitis sila ngayon sa hukuman!

 

Naganap ang krimen matagal na ngayon

sa ating calendar nasa limang taon;

pero ang hustisya’y hindi sumusulong

nangyaring pagpatay wala pang solusyon!

 

Ang mga kasangkot oo nga’t nadakip

at nasa kustodya nitong mga pulis;

dahil matagal nang sila’y nililitis

parang laya pa rin sa maraming panig!

 

Pagpatay naganap panahon ni Gloria

malalaking tao sangkot na pamilya;

may nakakulong na may mga parusa

subalit ang ilan malayang-malaya!

Show comments