^

Punto Mo

8 Pagkaing Nagpapaalala ng Aking Kabataan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KUNG tutuusin ay simple lamang ang mga pagkaing nagpasaya ng aking buhay noong bata pa ako. Narito ang mga pagkaing hanggang ngayon ay tila nalalasahan ko pa rin.

Kesong Puti na Inihalo sa Mainit na Kanin

Masarap gumawa ng kesong puti sa Sta. Cruz, Laguna. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang ipinagmamalaki nilang produkto. Doon pa nanggagaling ang kesong puti na inihahalo ni Nanay sa aking kanin. Tuwing hapon, bandang alas-kuwatro hanggang alas singko ay magsisimulang marinig ang pamilyar na boses ng matandang lalaki (hindi ko maalaala ang kanyang pangalan) na naglalako ng keso. Parang musika sa aming tenga ang kanyang boses—Keeeee…so. Ibibitin ang pagsambit ng Ke… pagkatapos ay biglang ibabagsak sa so na may kaunting indayog ang tono ng boses. Kesong puti ang iniuulam ko sa kanin kapag hindi ko type ang ulam na niluto ni Nanay na kadalasan ay gulay at isda. Swabe ang lasa ng kesong Sta. Cruz na nagmula sa gatas ng kalabaw. Ngayon, ilang beses na akong sumubok ng ibinebentang kesong puti sa supermarket pero hindi ko magustuhan. Masyadong maalat kasi.

Saltine Soda Crackers, Saging at Mirinda Orange

Ito ang ipinakakain ni Nanay kapag nilalagnat ako at walang panlasa. Masarap na partner ang Saltine at lacatan. Naglalaban ang alat at tamis kaya “nabubuhay” ang panlasa ng maysakit. Tapos ang pantulak ay Mirinda Orange… solved na solved na ako. Minsan ay umaarte na lang ako na hindi makakain para ibili ako ng Mirinda at Saltine. Mas nasasarapan ako noon sa Saltine kaysa Skyflakes. Bawal ang softdrinks sa amin. Hindi dahil health conscious kami. Mahal kasi ang softdrinks, 20 sentimos ang maliit na bote noong huling bahagi ng 1960s. Ang one-fourth kilo ng karneng baboy kung hindi ako nagkakamali ay 20 sentimos. Pambili na ng ulam ang isang softdrinks.

(Itutuloy)

AKO

BAWAL

CRUZ

HANGGANG

KESONG PUTI

MASARAP

MIRINDA ORANGE

NANAY

SALTINE SODA CRACKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with