^

Punto Mo

Kailan lilinisin ng PNP mga salot na VK?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Umiikot sa Cavite sina alyas Capt. Blanco at PO2 William Cajayon at nagbalita na sila na ang tong collector ng opisina ni DILG Sec. Mar Roxas. Kaya sa darating na linggo, ang mga gambling lord, beerhouse at nightclub operators at iba pang illegal sa Cavite ay dito na kina Capt. Blanco at Cajayon mag-aabot ng kanilang parating kay Roxas, na nag-aambisyon na maging presidente. Alam kaya ni Gen. Danilo Pelisco, senior police assistant ni Roxas, ang ginagawa nina Capt. Blanco at Cajayon? Abangan ang kasagutan mga kosa!

***

Dating taga-coins out lang ng video karera (VK) machines sina Buboy Go at alyas Adion subalit nag-iba ang ihip ng hangin at sa ilang sandali lang ay nag-iba ang takbo ng buhay nila. Si Go ay dating naka-empleo sa kanyang kapatid na si retired cop Benny Go samantalang si Adion naman ay kay Manila VK queen Gina Gutierrez. Ang trabaho kasi nang taga-coins out mga kosa ay ‘yaong taga-kolekta ng mga barya na mamiso sa mga makina. Naka-motor ang mga ito habang binabaybay ang mga lugar kung saan nakalatag ang mga makina. Kung tatlong beses kada araw mag-coins out sina Buboy at Adion, aba saku-sakong barya ang iniingreso nila sa mga amo nila. Subalit matapos makipaghiwalay sa mga amo nila, nagsarili sina Buboy at Adion at sa ngayon malaki na sila. At higit sa lahat, sa kanila na ang saku-sakong barya na ninanakaw ng mga makina nila sa kabataan at mga adik. Hehehe! Ang suwerte nga ba naman, di ba mga kosa?

Ayon sa mga kosa ko, si Adion ay may nakalatag na mahigit 1,000 makina sa Tondo samantalang si Buboy ay meron din sa Maynila, Malabon at San Miguel, Bulacan kung saan may malaking bahay siya. Kung halimbawa malakas ang isang puwesto ng makina, aabot sa P35,000 kada linggo ang coins out, kaya kung meron kang 1,000 makina tulad nina Adion at Buboy, magkano ito? Kailangan ng calculator dito!

Kaya hindi nakapagtataka kung ang VK operators ay patuloy na nag-ooperate hindi lang sa Kamaynilaan kundi maging sa probinsiya dahil sa magandang kita, di ba mga kosa? Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, kayang bilhin ng VK operators hindi lang ang kapulisan kundi pati ang iba pang opisyales ng government agencies at mga pulitiko dahil sa sobrang dami ng pitsa nila. Kayang gumastos ng aabot sa P1 milyon ang VK operators para makopo nila ang operations sa isang lugar. Mismo!

Hindi lang sina Adion at Buboy ang pinakamaraming VK na nakalatag sa ngayon sa Metro Manila kundi maging si SPO1 Roger Esteban, alyas Sacho, na nag-ooperate sa Caloocan City. Pero ina­amin naman ng mga kosa ko na ang VK operations ay nakadikit palagi ang problema ng droga subalit nagbulag-bulagan lang ang kapulisan. Kapag walang nakalatag na makina ang isang lugar, tiyak kokonti lang ang droga at mababa ang kriminalidad. Tiyak ‘yun!

Kailan kaya lilinisin ng PNP ang VK na salot sa mga kabataan? Abangan!

ABANGAN

ADION

BENNY GO

BUBOY

BUBOY GO

CAJAYON

CALOOCAN CITY

CAPT

CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with