‘Subasta’ (Underground sex tourism industry)

KASABAY ng paglobo ng populasyon ang kakulangan sa trabaho at kahirapan.

Kaya naman marami sa mga salat nating kababayan, kung ano-ano ang pinapasok at sinusubukan sa pagbabakasakaling ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Nitong Sabado, ipinalabas ng BITAG sa telebisyon ang Subas­ta. Isa itong underground sex tourism industry na hindi nakikita ng mga awtoridad.

Istorya ito ng mga pobreng Pinay na isinusubasta sa mga dayuhan sa pag-aakalang sila ang sagot sa kanilang kakapusan.

Gamit ang mga social networking site sa internet, nagkakaroon sila ng komunikasyon. Maraming mga “salat” na kababaihan ang nahuhumaling dito.

Isa sa mga nabiktima ng social networking site na “match-making site” si Luisa. Nagtapos siya ng kursong Mass Communication sa isang sikat na unibersidad sa Maynila.

Kakapusan ang nagtulak sa kaniyang makipagsapalaran sa nasabing site sa paghahanap ng mapapangasawa at “short-cut” na pagpunta sa ibang bansa.

Sa tulong ng kinuhang “marriage broker” wala pang dalawang linggo, dumating na sa Pilipinas ang kaniya umanong mapapangasawa.

Agad ikinasal sina Luisa at ang magiging mister na Koreano. Pero, makalipas ang ilang araw, umalis na rin agad ang dayuhan at nangakong aayusin ang papel ng misis.

Subalit, ilang taon na ang lumipas, namuti na ang mga mata ni Luisa sa kakahintay, hindi na nagparamdam pa ang Koreanong mister.

Kaya sa mga naghahangad na makapag-asawa ng mga foreigner at makapunta sa ibang bansa, mag-ingat, mag-ingat.

Mapapanood ang buong episode ng “Subasta” sabitagtheoriginal.com.

 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

Show comments