Uok (220)
“B A’T ka nagtawa, Gab?’’ tanong ni Drew.
“Kasi’y napakaganda ng love story natin, nagsimula sa paninilip, nawalang kuwintas, at nauwi sa Uok. Di ba napakaganda?’’
Nagtawa si Drew.
“Oo nga ano? Napakagandang love story!”
“At hindi lamang ‘yan, dahil sa pag-iibigan natin nagkasundo ang mga dating magkaaway --- si Daddy at si Tiyo Iluminado di ba? Tayo ang naging instrument. Kung hindi sa atin, baka hindi na sila magkabati pa, di ba?’’
“Korek ka diyan, Gab.’’
“Pero alam mo Drew, kahit naman nalaman kong sinisilipan mo ako, hindi rin naman mawawala ang pagmamahal ko sa’yo. Kumbaga, naggalit-galitan lang ako kanina. Kunwari’y nagtatampo ako pero hindi. E ano naman kung sinilipan mo ako. Wala namang nawala sa akin. At saka mahal naman talaga kita kahit nakita mo na ang katawan ko.’’
“Pero sa totoo lang, ang ganda talaga ng katawan mo, Gab.’’
“Atat na atat ka na ano?”
“Sino naman ang hindi maaatat e super sa kinis at puti ang katawan mo. Bakla na lang siguro ang hindi magnanasa sa’yo.’’
“Talaga bang sabik na sabik ka na?’’
“Oo. Gusto ko nang makita uli ang katawan mo Gab. Baka puwedeng…’’
“Makita?”
“Oo. Kahit silip lang. Titingnan ko lang kung may pagbabago sa nakita ko noon kumpara sa ngayon.’’
“Sira! May mababago pa ba roon?”
“Oo naman. Siyempre noon ay medyo manipis pa pero ngayon ay makapal na.’’
“Ay ang bastos!”
“Di ba?”
“Tumigil ka Drew!”
“Puwedeng kahit kaunting silip lang. Medya-medya lang.”
“Sa honeymoon na lang natin. Nakapagtiis ka nang ilang taon kaya matitiis mo rin ngayon. Dalawang taon na lang di ba?”
“Talagang ayaw mong ipasilip kahit ang pisngi ng birhen?”
Napahagikgik si Gab.
(Itutuloy)
- Latest