Maraming salarin

Habang nagtatagal lalong dumarami

problema ng bansang maliit malaki;

ang mga problema’y narito palagi

pagka’t ang salari’y nagkalat sa kalye?

 

Walang anu-ano’y  may  mga patayan

na bunga marahil nang karalitaan;

magkakamag-anak, kapatid magulang

sa kaprasong lupa ay nag-aagawan?

 

Pinakamalubhang nangyayari  ngayon

patayan sa bundok -- kawal at simaron;

NPA at Abu sa gubat naroon

hindi mapaamo ng rehimeng P-Noy!

 

Mga batambatang sundalo ng bansa

halos araw-araw nauubos yata;

sila’y pinapaslang sa hangad mapuksa

dahil ang gobyerno ay nagpapabaya?

Show comments