^

Punto Mo

Paano aalagaan ang mata?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

3 Paraan Para Hindi Masira ng Computer Screen ang iyong Mata:

1. Iaplay ang 20-20-20 Rule. Kung ang iyong trabaho ay kailangang nasa harapan ng computer sa maghapon, ganito ang gawin upang maiwasan ang eyestrain: Tuwing ika-20 minuto, tumingin ka sa malayo, mga 20 feet ang layo mula sa kinauupuan mo. Ititig mo doon ang iyong mata ng 20 seconds.

2.  Kapag nagta-type, ang gamiting font ay iyong madaling basahin kagaya ng Arial at Verdana dahil mabilis makilala ang letra. Ang letra sa Times New Roman ay medyo kurba  at kulot ang mga dulo kaya kailangan pang titigan upang maintindihan ang binabasa.

3. Punasan araw-araw ang screen ng microfiber cloth. Mahihirapan ang mata sa pagbabasa kung ang screen ay malabo dahil sa alikabok.

Mga Pagkaing Mainam sa Kalusugan ng Mata

1. Lutein—makukuha sa  spinach, leafy green vegetables at mais. Pinipigilan ng lutein na magkaroon ng oxidative damage ang retina.

2. Vitamin C—ayon sa pagsasaliksik, hindi nagkakaproblema sa mata ang mahilig kumain ng prutas at gulay.

3. Glutathione—ang itlog, bawang, avocado, asparagus at sibuyas ay mayaman sa glutathione. Pinipigilan nito ang cataracts.

Gagamiting Sunglasses:

Ang sunglasses na bibilhin ay dapat na may label na nagsasaad ng  “UV absorption up to 400nm.” or “99-100% UV absorption”. Ang ibig sabihin ay 100 percent na mahahadlangan ng lenses ang inyong mata laban sa UV light. Kung nagmamaneho ng sasakyan, mainam na ang kulay ay gray, green at brown. Hindi kailangang super dilim ng inyong salamin. Walang kinalaman ang “darkness” ng sunglasses sa paghadlang ng ultra violet light.

ARIAL

COMPUTER SCREEN

GAGAMITING SUNGLASSES

MATA

MGA PAGKAING MAINAM

PARAAN PARA HINDI MASIRA

PINIPIGILAN

TIMES NEW ROMAN

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with