Ang Pinakamakapangyarihang Puwersa sa Buong Universe ay TSISMIS.
Kapag mayaman—at nagnakaw ng malaking halaga—hospital arrest or kulong sa seldang kasinglaki ng bahay. Kung isa ka lang mahirap—at nagnakaw ng tuyo—ililibot ka sa buong palengke na may karatulang Ako’y Magnanakaw, Huwag Akong Tularan habang sumisigaw nang paulit-ulit ng Ako’y Magnanakaw. Ang ninakaw na isang bag ng tuyo ay nakasabit sa kanyang katawan habang naglalakad. Pagkaraan ng walk of shame, ito ay inutusang lumuhod sa babaeng pinagnakawan ng tuyo.
Sa siyudad, ang tsismosa ay idinedemanda ng libelo; sa probinsiya, ang tsismosa ay pinaglalakad sa buong barangay na may megaphone habang binabanggit ang paghingi ng patawad sa kanyang ginawang pagkakalat ng tsismis.
Huwag matakot sumubok, kahit ka hindi ganoon kaeksperto. Alalahanin mo, hindi naman engineer o arkitekto si Noah pero nakabuo siya ng Arko. Isang grupo ng propesyunal at eksperto ang gumawa ng barkong Titanic pero lumubog at naging dahilan ng pagkamatay ng maraming tao.
Kung sa kasalukuyan ay marami ang nagpapaopera para lumaki ang kanilang boobs at natuklasang mainam na gamot sa Alzheimer’s disease angViagra. Ano kaya ang mangyayari sa 2034? Siguro, nagkalat ang matatandang kuba dahil hindi na nila kayang dalhin ang malalaki nilang boobs. O, pangkaraniwan na lang na tanawin ang matatandang lalaki na may nakatirik na “birdie” pero hindi nila magamit dahil hindi na kaya ng kanilang naturalesa. The bird is willing but the spirit is weak.