ANG hangad ng Diyos sa atin ay pawang kabutihan, katanggap-tanggap at perpekto. Sabi sa Jeremiah 29:11: “For I know the plans that I have for you declares the Lord. Plans to prosper and not harm you. Plans to give you hope and a future.â€
Ang problema, kapag may nakita o naramdaman tayong maganda at masarap sa pakiramdam, madalas akala natin na ito na ang itinakda para sa atin. Ang hindi natin alam ay hindi lahat ng dumadaan sa buhay natin ay nakatakdang manatili habambuhay. Ang iba ay sadyang ipinahihiram at ipinatitikim lamang ng panandalian. Kaya naman ang kalaban ng God’s best ay good things. Madalas ay hindi natin alam na masama dahil hindi halata.
Ang susi dito ay ang pagpasya kung ang nasa harapan mo ba ay ang God’s best na? Paano mo malalaman kung ito ang God’s best? Kung pasok ito sa pamantayan ng Diyos, na dapat mo ring standards. Eh ano kung mataas ang standards mo? Mataas ang standards ng Diyos para sa iyo dahil anak Ka niya at pawang ang best lamang ang nais Niya.
Gusto mong malaman at matamo ang God’s best? Matutong magdasal at makiisa. Hindi puwedeng inaangat mo lang at naghihintay ka lamang ng walang ginagawa. Kailangan ay makiisa ka kung nais mong matanggap ang para sa iyo. Kailangan mong maging masunurin. Dahil sa pagsunod napapatunayan ang iyong paniniwala, gayundin ang iyong dedikasyong sundin ang inuÂutos ng Diyos para matanggap ang biyayang hinihiling.
Gusto mong matanggap ang God’s best? Ilagay ang Diyos sa plano. Hayaan Siyang gumalaw at sumunod ka lamang. Magkaroon nang mataas na pamantayan at huwag ibaÂbaba para lamang maÂpagbigyan ang kagustuhan mo. Dahil madalas, hindi para sa atin ang mga bagay na gusto natin.
Lahat nang pinakamainam sa atin ang ipinagkakaloob ng Diyos.
Kailangan lamang natin itong hingin sa pagdarasal, pagsunod sa utos at hintayin ang kasagutan.