^

Punto Mo

Uok (192)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAG-IISIP si Tiyo Iluminado kung saan siya magpapagawa nang mala­king breeding room ng mga Uokcoco. Mga ilang araw pa at hindi na magkakasya sa kasalukuyang breeding room ang mga container na may lamang Uokcoco. Kailangang mag-breed nang mag-breed para hindi maubusan. Araw-araw napakaraming bumibili ng Uokcoco. Kapag hindi siya nag-breed, mauubos ang istak. Kaya itatanong niya kay Drew sa pagdating nito kung saan magandang magpagawa nang malaking breeding room. Dapat nasa mga mahigit na 100 square meters na lote ang breeding room. Kaya na naman nilang magpagawa nang malaking breeding room sapagkat malaki ang sumasampang pera sa araw-araw. Hindi dapat magsiksikan sa maliit na area ang mga Uokcoco. Sana, dumating na si Drew para mai-sagawa ang plano.

“Nado! Nado!”

Nagulat si Tiyo Iluminado sa tawag ni Tiya Encarnacion.

“Bakit?”

“Halika at maraming bumibili ng Uokcoco. Galing pa raw silang Quezon. Mga has-yendero sa Quezon at mara-ming bibilhing Uokcoco!”

“Sige lalabas na ako!”

Napangiti si Tiyo Iluminado. Pera na naman ang dumating sa kanila.

NANG mga sandali namang iyon ay nagpasya si Drew na ipagtapat kay Gab ang tungkol sa Uokcoco. Iyon ay sa kabila na sinabi ng kanyang daddy na huwag munang sabihin ang tungkol sa Uokcoco. Para kay Drew, dapat malaman ni Gab ang tungkol doon at baka meron pa itong maipayo ukol sa Uokcoco.

“May sasabihin ako sa’yo, Gab. Magkita tayo mamaya,” sabi niya rito. Tinawagan niya sa phone.

“Sige saan tayo magkikita?”

Sinabi ni Drew.

Nagkita sila kinagabihan. Sa isang restawran sa loob ng mall sila nagkita. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Drew.

“May nadiskubre akong pamatay sa peste ng niyog. Tinawag kong Uokcoco.”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ARAW

KAYA

NADO

QUEZON

SIGE

TIYA ENCARNACION

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with