^

Punto Mo

‘Batang hamog’sa Maynila

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May matinding problema ang Manila Police sa mga nag­lipang ‘batang hamog’ sa lungsod.

Hindi lang mga truck at ibang sasakyan na may mga kargamento ang target ng mga pasaway na batang ito, kundi maging mga turista at indibiduwal na kanilang mga binibiktima.

Pabata pa nang pabata ang mga batang ito, na iisipin mo talagang hawak o sinanay ng sindikato.

Ngayon sangkaterba raw ang mga batang hamog sa Malate, Maynila na ang tinatarget biktimahin ay mga dayuhang turista.

Ang siste, kunwari eh marurungis ang suot at nagpapalimos o di kaya’y nagpapanggap na nagtitinda ng bulaklak ang mga ito.

Modus ng mga batang palaboy na  paikutan  ang target nila. Lilituhin, kunwari ang ilan namamalimos at sasabayan naman ng ilan nang alok ng kanilang paninda.

Gigitgitin ng mga ito ang biktima na lingid sa kaalaman ay dinudukutan na pala.

Ang bibilis daw ng mga kamay, sanay na sanay kahit sa kanilang murang isipan.

Hindi nga raw talaga mararamdaman ang pagdukot ng mga ito, talagang hinasa.

Dyan din naman sa may kahabaan ng Delpan, dami ring tambay na batang hamog. Ang kinukulimbat naman mga kargamento ng truck, jeepney at kahit anong sasakyan may mga karga.

Dapat mapagtuunan na ito ng pansin ng pamahalaang lungsod at ng DSWD at ng pulisya, talaga namang parami na sila nang parami. Hanggat maaga ay dapat na masawata na ang mga batang ito, at mga taong gumagamit sa mga bata  dahil baka lalu pang lumala kapag tumagal pa.

Nakakasira rin ito sa imahe at tanawin sa lungsod.

BATANG

DAPAT

DELPAN

DYAN

GIGITGITIN

HANGGAT

MANILA POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with