^

Punto Mo

Smokey, pinakamaingay na pusa sa mundo

- Arnel Medina - Pang-masa

MAINGAY ang mga pusa lalo na kapag gabi at talagang nakakaistorbo sa mga natutulog. Ngunit wala nang iingay pa sa ginagawa ng pusang si Smokey – siya ang itinuturing na pinakamaingay na pusa sa buong mundo.

Si Smokey ay alaga nina Ruth at Mark Adams ng United Kingdom. Napansin nila ang kakaibang lakas ng ingay ni Smokey tuwing sila ay may kausap sa telepono. Madalas gumagawa ng ingay­ si Smokey kapag sila ay may kausap at nagugulat ang nasa kabilang linya kapag ipinaliwanag nila na sa kanilang alagang pusa nanggaling ang malakas na ingay na narinig nila. Madalas ding mag-ingay si Smokey tuwing may pinapanood sila sa telebisyon.

Buti na lamang at naging sikat si Smokey matapos itong bisitahin ng mga taga-Guinness Book of World Records dahil sa malakas nitong ingay.

Nang suriin ng mga kinatawan ng Guinness si Smokey, napatunayang hindi nga pang­karaniwan ang ginagawa nitong ingay. Kung ang ibang pusa ay umaabot lamang sa 25 decibels ang ginagawang ingay, ang mga ingay na ginagawa ni Smokey ay umaabot ng hanggang 92 decibels o kasing lakas ng ingay na nanggagaling sa eroplano.

Naging instant celebrity si Smokey matapos siyang tanghalin ng Guinness na pinakamaingay na pusa sa buong mundo. Madalas na siyang nagiging tampok ng mga pahayagan at ng mga palabas sa telebisyon tungkol sa mga kakaibang mga hayop.

vuukle comment

BUTI

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

INGAY

MADALAS

MARK ADAMS

SI SMOKEY

SMOKEY

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with