^

Punto Mo

EDITORYAL - Krimen ay dumarami, walang pulis sa kalye

Pang-masa

KAKATWA ang ginagawa ng Philippine National Police (PNP) at marahil naoobserbahan ito ng mamamayan. Kapag may nangyaring krimen o mga nakawan sa Metro Manila, agad nagpapakalat ng sandamukal na pulis. Nagiging abala sa pagpara sa mga motorista dahil nag-setup ng checkpoints. May mga nakamotorsiklong pulis o mga SWAT na armado ng mga mahahabang baril. Mayroon pang paikut-ikot na mga police car.

Pero makalipas ang ilang araw, hindi na makikita ang mga ito. Wala nang nagpapatrulya at wala nang sumisita sa checkpoint. Nangyayari lamang ito kapag may nangyaring krimen o nakawan. Kapag lumamig na ang isyu, wala na sila. Lalabas uli sila kapag mayroong nangyaring karumal-dumal.

Dahil sa “bulok na sistema” ng PNP, maraming nagtatanong kung ligtas pa nga bang manirahan sa Metro Manila o kahit saang lugar sa gitna ng mga nangyayaring kaliwa’t kanang krimen. Ginagampanan pa ba ng pambansang pulisya ang kanilang tungkulin sa mamamayan na poprotektahan at pagsisilbihan? O wala na ito at ang pinagkakaabalahan nila ay kung paano mapupuno ang kanilang bulsa.

Sunud-sunod ang mga pagpatay. Pinatay ang international car racer na si Enzo Pastor sa kanto ng Visayas Avenue at Congressional Road sa Quezon City. Pinagbabaril siya ng riding-in-tandem. Hanggang ngayon, wala pang naaaresto sa mga killer. Pinatay din ang Cebu-based businessman na si Richard King sa Davao City at hanggang ngayon, wala pa ring naaaresto sa mga pumatay.

Sabi ng Malacañang, paiigtingin na raw ng PNP ang pagpapatrulya sa mga kalye. Magiging visible na raw. Parang inamin na nga ng Palasyo na “inutil” ang PNP kaya maraming krimen ang nangyayari.

Baguhin ng PNP ang style na kung kailan may nangyaring krimen saka magiging visible sa kalye. Araw-araw, gabi-gabi dapat silang nasa kalye para hindi pagtawanan ng mga halang ang kaluluwa!

CONGRESSIONAL ROAD

DAVAO CITY

ENZO PASTOR

KAPAG

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINATAY

QUEZON CITY

RICHARD KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with