PUSA ang paboritong hayop ni Gummy. Hindi ko alam kung paano niya natutunan at nagustuhan ang pusa. KinaÂkabahan akong pagbigyan siya sa hiling na ibili ng pusa. Takot ako sa pusa dahil nakalmot ako noong bata ako. Kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng pusa kaya hindi ko alam kung papaano ito alagaan. Nagsaliksik muna ako tungkol sa mga pusa at natuklasan ko ang mga sumusunod:
- Naaamoy ng mga pusa ang lindol! Dahil sa padding sa kanilang mga paa, nasi-sense umano ng mga pusa ang paÂparating na lindol.
- Kaya nilang lunukin at tunawin ang kanilang pagkain na hindi nginunguya.
- Nananaginip ang pusa! Madalas ay umiidlip lamang sila. Kaya nga naimbento ang salitang cat nap dahil maiiksing tulog lang ang ginagawa nila.
- Kung ang tao ay nagbebeso at kumakamay bilang pagbati, lalo na sa mga kakilala, ang mga pusa naman ay nagno-nose-to-nose.
- Iba-iba ang tono ng purring ng mga pusa. At kaya rin nila itong gawin ng tuluy-tuloy habang nag-i-inhale-exhale.
- Kapag malapit ang pusa sa amo, mas madalas nitong gamitin ang kanyang kitten voice kahit pa adult cat na siya.
- Maaaring ikamatay ng mga pusa ang pagkain ng tsokolate! May bahagi ng utak ang hayop na ito na napa-paralyze kapag kumain ng tsokolate.
- Ang pagkurap at pagliit ng mata ang eye signal ng mga pusa kapag nakikipagkaibigan sa kapwa pusa.
- Para manatiling malusog ang kanilang mga ngipin at gilagid, panguyain ang mga pusa ng hilaw na karne.
- Kayang-kaya ng pusa ang init dahil ang kanilang mga ninuno ay nabuhay sa mga disyerto.
- Kung ang pulso ng tao ay nasa 60-80 beats kada minuto, ang heart rate ng mga pusa ay nasa 120-240 depende sa kanilang edad.
- Pinapawisan ang pusa hindi sa balat nila kundi sa kanilang mga paa.