Uok (184)
“PAGSASAMAHIN natin ang Uokcoco na may white stripes at orange stripes, Tiyo Iluminado. Malalaman natin nga-yon kung sino sa kanila ang lalaki at babae. Pero malaki ang kutob ko na itong Uokcoco na may orange stripes ang lalaki,’’ sabi ni Drew habang sinusuri ang dalawang Uokcoco.
“Paano kung bading pala ‘yang orange, he-he-he!’’
“Baka walang bading sa Uokcoco, Tiyo. Mukhang matitikas ang may orange stripes.’’
“E saan natin ilalagay ang bawat pareha ng Uokcoco, Drew. Wala akong mga gamit o container.’’
“Bumili tayo sa bayan, Tiyo. May pera naman ako rito. Siguro mga 10 plastic container box ang kailangan natin.’’
‘‘Sige Drew. Wala pa kasi akong pera ngayon. Sa isang linggo pa ako magbebenta ng palay at saging. Talagang dry na dry ako ngayon.’’
“Walang problema Tiyo Iluminado. Kapag nagtaÂgumpay tayo sa ginagawa natin, ikaw ang unang milÂyonaryo o baka bilyonaryo rito.’’
“Sana nga, Drew. Pero siyempre ikaw din ay bilyonaryo dahil ikaw naman ang nakatuklas ng Uokcoco.’’
Napangiti lamang si Drew.
Nagtungo sila sa bayan at bumili ng 10 container box.
Inilagay nila ang pareha ng Uokcoco. Tamang-tama ang pareha.
Nilagyan nila ng pinira-pirasong bunot ang bawat container na may Uokcoco. Sa likod ng bahay nila inilagay ang mga container. Gumawa sila ng maliit na bahay doon na para bree-ding area.. Nilagyan nila nang bubong na yari sa dahon ng niyog. Malamig sa lugar at maganda ang simoy ng hangin.
Makaraan ang tatlong araw, gulat na gulat sina Drew.
“Ang bilis nilang dumami!’’
“Oo nga!’’
“Tagumpay tayo, Tiyo! Yayaman na tayo!’’
(Itutuloy)
- Latest