ISANG lalaki mula India ang paÂtalikod na naglalakad sa loob ng 25 taon at ayon sa kanÂya, ginagaÂwa niya ito upang makamit ng buong mundo ang kapayapaan.
Siya ay si Mani Manithan. Naglakad siya nang patalikod noon pang 1989. Sinimulan niya ito noong taon na iyon nang ang India ay naharap sa sunod-sunod na kaguluhan. Noong taong din iyon siya naglakad nang patalikod habang walang kahit anong saplot papunta sa siyudad ng Chennai na halos 500 kilometro ang layo sa kanyang bayan.
Noong 2003, sinubukan niyang ulitin ang paglalakad ng patalikod habang nakahubad bilang protesta sa pagsa-lakay ng U.S. sa Iraq ngunit inaresto kaagad siya ng mga kinauukulan bago pa siya makapaglakad nang lampas isang kilometro.
Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan matapos niyang simulan ang kanyang paraan ng pagpoprotesta laban sa kaguluhan sa kanyang bansa pero patalikod pa ring naglalakad si Mani, na ngayon ay may-ari na ng isang tindahan ng mga cell phone. Sa tagal na niyang naglalakad ng patalikod ay hindi na raw siya sanay maglakad ng pangkaraniwan. Ayon kay Mani, nakalimutan na raw ng utak niya kung papaano maglakad ng normal at dahil nakasanayan na niya ang kanyang paraan ng pagla-lakad ay mas komportable na siyang maglakad ng patalikod kaysa paharap.
Bagama’t hindi na ganoon kagulo sa kanyang bansa ay walang balak si Mani na itigil ang kanyang kakaibang panata. Para sa kanya ay napapanahon pa rin ang kanyang panawagan para sa kapayapaan para sa buong mundo lalo na nga-yong kabi-kabila ang mga insidente ng terorismo at pambobomba.