Drunk driving!

Halos araw-araw ang nagaganap na matitinding aksidente sa mga lansangan.

Madalas pa nga na may nagbubuwis ng buhay at mga nasusugatan.

Kadalasang sanhi umano ng aksidente sa lansangan ay human error, isama pa rito ang umano’y pagmamaneho ng lasing o nang naka-droga na driver.

Kamakailan ay tuluyan nang pinirmahan ni Pangulong Aquino para maging ganap na batas ang Republic Act 10586 o ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013” na nagbibigay na mas mabigat  na parusa sa mga driver na mahuhuling lasing o naka-droga na sangkot sa aksidente lalu na nga at may casualties.

Layunin nito na balaan ang mga pasaway na driver na ganun na lamang sa paghawak sa manibela sa kabila na nakainom o kaya eh nakadroga.

Mas mataas na multa na may kasama pang kulong ang nakapaloob sa batas.

Aabot sa P200,000  kung may nasugatan sa aksidente  at tataas ito sa P500,000 kung nagresulta sa pagkabuwis ng buhay ang nangyaring aksidente.

Ang pagkapiit ay itataas din.

Bukod pa rito ang pagkasuspinde ng kanilang lisensya  sa loob ng 12 buwan sa unang pagkahuli para sa mga non-professional driver at tuluyang pagkansela sa ikalawang conviction.

Para naman sa professional drivers,  pagkakumpiska at tuluyang pagbawi sa unang conviction pa lamang at pagkadiskuwalipika sa kanila sa pagkuha ng anumang uri ng lisensiya.

Dapat na talagang magkaroon ng ngipin ang batas sa drunk driving para tuluyang mawalis ang mga pasaway na driver na walang pakialam sa buhay ng iba sa kanilang pagmamaneho kahit nakainom o naka-droga.

Sa ibang bansa, mahigpit nag pagkakaloob ng driver license dada sa butas ng karayom.

Sa Australia, may mga level ang  pagkakaloob ng lisensiya. Sa  bawat level na ito may mga restriction isang driver at nakatatak ang level ng license driver sa mismong sasakyan na kanyang minamaneho.

Kung ilang pasahero lamang ang dapat isakay madaling makita dahil may nakadikit mismo sa sasakyan.

Sa mga paglabag, nababawasan ng points o puntos ng isang driver na kapag naubos ito ay nangangahulugan nang pagkansela sa kanyang lisensiya at hindi pa pagkakuha pa. Kaya maingat ang mga nagmamaneho, para hindi mabawasan ang kanilang puntos.

 

 

               

 

Show comments