Uok (178)
L UMAPIT si Drew kay Tiyo Iluminado para tingnan ang tinuturo nito.
“Ano po ‘yan, Tiyo?’’
“Mga uok! Pero itim ang mga ito!â€
Tiningnan ni Drew. Nasa katawan ng punong niyog ang mga uok.
“Ibang klaseng uok ang mga iyan, Drew. Matagal na akong magniniyog pero ngayon lamang ako nakakita ng itim na uok.’’
“Hindi po kaya uwang yan, Tiyo?â€
“Hindi. Brown ang uwang at saka matigas ang katawan ng mga iyon. Ang mga ito ay malalambot na parang marshmallow.’’
Sinubukan ni Drew na hipuin ang isang itim na uok. Malambot nga! Parang marshmallow.
“Ngayon lang ikaw nakakita ng ganito, Tiyo?â€
“Oo. Matagal na akong nagtatanim at nag-aalaga ng niyog pero ngayon lang ako nakakita ng ganito. Nakapagtataka ito, Drew!â€
“Hindi po kaya dahil sa climate change?’’
“Ha, ewan ko. Ano ba yung climate change, Drew?’’
“Ay sori, Tiyo. Ang climate change po ay ang pagbabago ng panahon o klima ng panahon. Napapansin mo po ba na masyadong umiinit ang mundo ngayon at madalas din naman ang pagdalaw ng bagyo?’’
“Oo. E ano ang koneksiyon noon sa pag-itim ng mga uok?â€
“Malaki po. Apektado ang kanilang environment. Baka hindi na sila nakakakuha ng sapat na pagkain sa sinisirang niyog.â€
Hindi agad nakapagsalita si Tiyo Iluminado. Hindi marahil maunawaan ang paliwanag ni Drew. Nang magsalita ay may pangamba.
“Hindi kaya ibig sabihin nito ay mayroon na namang bibiktimahin si ‘Uok’. Kasi’y itim di ba? Ang itim ay kasingkahulugan ng kamatayan.’’
Kinabahan si Drew.
Naisip niya, baka may nangyari kay Basil alyas ‘Uok’. Baka pangitain ang mga itim na uok. Hindi kaya na-stroke si Basil at…
(Itutuloy)
- Latest